Erwin Santiago
Friday, April 18, 2008
11:30 AM
Mukhang seryoso na talaga ang panliligaw ng young actor na si Richard Gutierrez kay KC Concepcion. Nang mag-celebrate kasi si KC ng kanyang 23rd birthday last April 7 sa isang beach resort sa Calatagan, Batangas, ay pumunta roon si Richard.
Sa panayam kay Richard ni Allan Diones na lumabas sa Abante Tonite kahapon, April 16, tumanggi ang young actor na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa birthday party ni KC.
"Ayokong magsalita. Siya [KC] nga, hindi siya nagsasalita about her party, ‘tapos sa akin pa manggagaling? Tanungin n'yo na lang siya. Kasi hindi pa siya nagsasalita about her birthday, ‘tapos ako pa ang maglalabas? Nakakahiya naman," pahayag ni Richard.
Kasabay raw ng birthday ni KC ang kaarawan ng dalawang kapatid ni Richard na sina Elvis at Ritchie Paul.
Nang tanungin naman ni Allan si Richard kung ano iniregalo niya kay KC, isang mahabang "secret" ang sinagot ng binata at saka tumawa. Pero sinabi ni Richard na masaya raw si KC sa pagpunta niya sa birthday party.
Tawa rin lang ang naging sagot ni Richard sa tanong kung totoong sila na ni KC, sabay sabing: "Saan n'yo narinig? I'm the last to know! Why am I always the last to know?"
Halata ring umiiwas si Richard kapag tinatanong siya kung in love siya ngayon.
"I'm in love with my job!" safe na sagot niya kay Allan.
Tungkol naman kay KC?
"Saka ko na sasagutin..." bitin na sagot ng binata.
For Richard, KC is an ideal girl "in all aspects" at naghihintay lang daw siya ng "right time" para mapa-ibig ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Marami ang umaasa na magkasama sa isang pelikula sina Richard at KC. Nagbigay na nga ng feelers ang GMA Films sa Star Cinema for a possible co-production para matuloy ang pagtatambal nina Richard at KC. Under contract kasi si Richard sa GMA Films samantalang si KC naman ay identified sa ABS-CBN at sa Star Cinema siya unang gagawa ng pelikula.
Pero positibo si Richard sa pagtatambal nila sa pelikula ni KC.
Ayon sa kanya, "Oo, may possibility ‘yon. They're still communicating [about the project]. Sana matuloy, di ba? Yun ang ultimate dream ko talaga. I mean, it's all for the best, e. Sana matuloy."
Sinabi rin ng young actor na napag-uusapan din nila ni KC ang tungkol dito at gusto rin daw ng young actress-model na matuloy ito.
STATUS WITH GMA-7. Binasag na rin ni Richard ang kanyang katahimikan tungkol sa lumabas na balitang muntik na siyang lumipat sa ABS-CBN dahil diumano sa ilang tampo niya sa GMA-7.
Sa parehong panayam sa kanya ni Allan ng Abante Tonite, pinabulaanan ni Richard ang naturang isyu. Aniya pa, siya raw ang huling nakaalam na may gano'n palang issue tungkol sa kanya.
"Kasi nowadays, bihira akong magbasa ng diyaryo dahil sobrang busy. Sina Raymond [his twin brother] na lang ang nag-a-update sa akin dahil sila ang updated sa ganyang bagay. Tinawagan nila ako, paggising ko, it was all over the newspapers.
"So, hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon. Wala akong planong lumipat sa kabila, alam nating lahat ‘yon. Hindi dumapo sa utak ko na lumipat sa kabila kahit isang beses," pahayag ni Richard.
Nagpaliwanag din si Richard tungkol sa napabalitang tampo niya dahil hindi siya naisama sa unang pagpapalabas ng summer plug ng GMA-7. Ayon sa report ay minadali ni Richard ang pag-uwi ng Pilipinas mula sa Hollywood, California—kung saan tumanggap siya ng award mula sa First Filipino-American Visionary Awards—para lang mag-shoot ng summer plug sa Bohol, pero tila hindi ito pinahalagahan ng kanyang home network.
"Yung mga ganung bagay," ani Richard, "ako personally, kung ano ang ginagawa ng network, I've always said na I'm a soldier of the network, di ba? Kung puwede akong mag-suggest, nagsa-suggest ako.
"Pero yung mga ganung bagay, ang nakakakita no'n, yung management team ko na, e. Ako personally, kung ano yung ginagawa kong trabaho, I do my best at it. And then, kung may mga ganyang isyu, it's not me na nakakapansin, but my management."
Pero naayos na ang naturang issue dahil prominente na ang exposure ni Richard sa ipinalalabas ngayong summer plug ng GMA-7.
Nakatakda ring magbigay ng official statement si Richard tungkol sa estado niya sa Kapuso network next week, kasabay ng contract renewal niya.
"Abangan n'yo next week, may official statement ako. Kasi ako na lang ang hindi nagsasalita, e. Nagsalita na si Mommy [Annabelle Rama], nagsalita na si Raymond. Ako naman next week.
"At saka I really wanted to wait for the right time. Kasi kung palalakihin ko yung isyu na wala namang katotohanan, e, sayang lang," sabi ng young actor.

RIVALRY WITH DINGDONG. Early this week ay lumabas ang balitang nag-resign na si Richard sa SOP. Nagdesisyon ang management team ni Richard na i-pull out na siya sa naturang musical-variety show ng GMA-7 upang maiwasan daw ang ilang intriga sa show.
Nilinaw naman ng kampo ni Richard na lalabas pa rin ang young actor sa SOP kapag may promotion siya para sa bago niyang pelikula o TV show, gaya ng grand farewell promo ng Kamandag this Sunday, April 20.
Pero sa panayam pa rin ni Allan Diones kay Richard sa Abante Tonite (April 18), wala pa raw final decision sa pag-alis niya sa SOP.
"If ever man na I decide to take a leave, it's my personal decision. Well, ako kasi, matagal ko nang naisip na I work hard during the week and then, sa weekends, wala rin akong time off. So, naisip ko, why not have my time off during the weekends? Para may free time ako para sa friends and family ko. Kailangan talaga ‘yon, e."
Nilinaw rin ni Richard ang balitang may tampo siya sa staff ng SOP dahil sa limited exposure na nakukuha niya sa show.
"Ako wala, wala kong tampo sa kanila," tanggi niya. "I mean, they've been working on that show way before I started. So, sa kanila na ‘yon. Kumbaga ako, I'll do my own thing."
Nagsalita rin si Richard kaugnay ng napapabalitang friction sa pagitan nila ng co-Kapuso artist niyang si Dingdong Dantes. May lumabas kasing isyu na nagtatampo raw ang kampo ni Richard dahil sa magandang exposure na ibinibigay ng GMA-7 kay Dingdong ngayon at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit siya aalis sa SOP.
"Wala, with Dong, wala," diin ni Richard. "At saka naisip ko talaga na I'd rather rest or give time to myself and my family. Kasi ngayon, sobrang busy ko talaga. Like sa primetime shows ko, I'm getting more involved with the production and the creative [side]. So, I really want to focus on my show."
Iginiit din niya na wala silang problema o hidwaan ni Dingdong.
"Wala. I know Dingdong is working hard and I'm happy for him kung ano yung status niya ngayon. I have zero grudges for him. I'm happy for him," saad niya.
Dagdag ni Richard, "At saka maganda nga ‘yon for the network as a whole, e. At least, sa GMA, ang competition namin, within ourselves. Kung meron mang competition, it's very healthy, very professional. It's also good.
"Nagkita kami sa birthday party ni Direk Mark [Reyes]. Never kaming nagpaapekto ni Dong sa mga nangyayari sa showbiz. Kasi kami ni Dong, ang tagal na naming kilala ang isa't isa. Sobrang tagal na. So, ‘pag nagkikita kami, hindi kami nagpapaapekto kung anuman ang mga lumalabas sa mga diyaryo o nangyayari sa mga manager namin. Wala ‘yong epekto sa aming dalawa. Ganu'n ako sa lahat ng tao. And I know him better," paniniguro ng young actor.
Pagkatapos ng Kamandag ay sisimulan na agad ni Richard ang susunod niyang teleserye sa GMA-7, ang Asero, na partly ay kukunan sa Dubai.
No comments:
Post a Comment