GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, August 10, 2008

Abante Tonite

Jun Lalin
Abante Tonite


Nakakatuwa na nagkakaisa ang fans ni Ri­chard Gutierrez para suporta­han ang pelikula ng binata opposite KC Concepcion.
May original, solid, glo­bal at kung anu-ano pang fans club si Richard at ang iba ay iba’t ibang leading lady ni Ri­chard ang sinusuportahan. May maka-Angel Locsin, may maka-Heart Evangelista, may maka-Rhian Ramos, may maka-Maxene Magalona at may maka-Marian Rivera na fans ni Richard, pero lahat ay nagkakaisa na panonoorin nila ang For The First Time.
Saka for Richard’s sake, ayaw ng fans niya na magkontrabida sa kanyang mga proyekto kahit sino pa ang ka-partner.
‘Yung ibang fans clubs niya ay nagpagawa ng tarpaulin nila ni KC. Nang ikuwento ko ‘yon kay Ri­chard, tuwang-tuwa ang binata.
“I’m glad at solid ‘yung fans ko, kaya mahal na mahal ko sila. Palagi silang nandiyan para suporta­han ang projects ko. Kung wala ‘yung fans ko, hindi rin ako magiging successful!” pahayag ng binata.
Sa Agosto 26 ang premiere night ng For The First Time sa SM Megamall.

No comments: