Eddie Gutierrez and Annabelle Rama comment on rumor that Richard will transfer to ABS-CBN
Glen P. Sibonga
Wednesday, August 27, 2008
11:15 AM
Tuwang-tuwa ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama para sa tagumpay ng premiere night kagabi, August 26, ng pelikula ng anak nilang si Richard Gutierrez with KC Concepcion, ang For The First Time ng Star Cinema. Talaga namang dumagsa ang napakaraming tao at punung-puno ang Cinemas 9 at 10 ng SM Megamall para sa premiere night ng unang pagsasama nina Richard at KC.
Star-studded din ang event dahil sa dami ng mga Kapamilya at Kapuso stars na dumalo. Full force din ang buong pamilya nina Richard at KC sa Cinema 10. Sa side ni Richard, bukod kina Annabelle at Eddie, present din ang mga kapatid niya na sina Ruffa, Raymond, Rocky, Ritchie Paul, at Ramon Christopher. Sa side ni KC, dumalo siyempre ang kanyang ina na si Sharon Cuneta with KC's stepdad Sen. Kiko Pangilinan at Mommy Elaine Cuneta. Present din ang ama ni KC na si Gabby Concepcion, na nanood naman sa Cinema 9.
Sa cast party na inihanda ng Star Cinema sa Florabel Restaurant sa Podium after the premiere night, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Annabelle at Eddie para hingin ang kanilang reaksiyon sa malaking tagumpay ng premiere night ng For The First Time.
"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumusuporta kay Chard at kay KC. Sa lahat ng nagpunta sa premiere night sa Megamall, manood kayo sa opening mismo. Araw-araw ulit-ulitin n'yo ang panonood, hindi kayo magsasawa kasi napakaganda ng movie," nakangiting pahayag ni Annabelle.
Sabi naman ni Eddie, "Actually talagang napakasaya ng lahat, lalo na si Richard at si KC, dahil ang daming nag-attend, ang daming tao, so yung pinaghirapan nila naging triumph. I'm very happy and proud to both of them. I also would like to congratulate Joyce Bernal for doing a good job. Also to ABS-CBN and Star Cinema for accepting Richard as one of their own while doing this movie."
So, posible na bang maabot kung hindi man malagpasan ni Richard ang superstar at most popular heartthrob status ng isang Eddie Gutierrez?
"Oo, dapat naman malampasan niya. Kasi ako, I have experienced all that. Gusto ko naman ma-feel ni Richard ang lahat ng kanyang success. And I'm sure masu-surpass niya ako. Hindi lang ako kundi marami pang artista," sagot ng dating matinee idol.
Maganda ang trato ng buong Kapamilya network pati na ng mga stars nito kay Richard, ano ang masasabi nila rito?
"Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanilang lahat sa magandang trato nila sa anak ko," ani Eddie.
Ayon naman kay Annabelle, "Sa ABS at Star Cinema, nagpapasalamat ako sa support na ibinigay nila kay Richard, napakaganda. Nagpapasalamat ako sa kanila sa tiwalang ibinigay nila kay Richard, pati sa magandang pakita nila kay Richard. Nagpapasalamat din ako sa GMA Films at kay Annette Gozon kasi pinahiram nila si Richard sa Star Cinema."
Sa ganda ng treatment na ipinapakita ng ABS-CBN at Star Cinema kay Richard, ano ang masasabi nila sa intrigang posible raw lumipat ng network si Richard?
"Hindi kita masasagot diyan. We will get there when we cross the bridge," maingat na sagot ni Eddie.
Sabi naman ni Tita Annabelle, "Hindi ka naman basta makakalipat kasi may kontrata pa naman kami sa GMA. Ayoko ng intriga ngayon, puro positive tayo. Maganda ang movie, kaya happy ako."

No comments:
Post a Comment