GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, August 22, 2008

Sharon at Annabelle payag ‘magkatuluyan’ sina KC, Richard

Sharon at Annabelle payag ‘magkatuluyan’ sina KC, Richard
By: Pacita A. Ramos
Taray

Hindi maipinta ang mukha ni Annabelle( Rama) nang lapitan namin sa backstage ng Sharon show noong Martes at ipapalabas sa Lingo.

May bomba pala siyang pasasabugin na ti-yak na ikagugulantang ng buong Sharon fans, inclu-ding Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Sino nga naman ang hin-di magagalit. Unang-una, sinabayan mismo ng GMA-7 ang movie nina Richard at KC sa mismong first day showing nito ng isang concert at magtatampok ng kapwa Kapuso ni Chard at libre pa!

“Alam ko kung sino ang nasa likod nito, pero, hindi ko babanggitin pagka’t ayaw kong sumikat sila. Nagtsismis at na-report pa na nagwala raw ako nang kausapin nila. Walang nangyaring ganu’n. Nagpaka-desente ako. Aaminin ko naman kung totoo, kilala n’yo ako. Pero wala talagang nangyaring ganun,” umpisa ni Annabelle.

Maganda ang arrangement na nakuha ni Annabelle sa GMA-7. Papayagang gumawa ng movie si Richard with KC sa Star Ci-nema at ganun din si KC with Chard sa GMA-7 pag-katapos.

“Akala ko, magtutulu-ngan na, ‘yun pala, may gaga-wing kababalaghan at gusto pang pabagsakin ang anak ko at si KC!”

Sinusugan ng mega-star ang pahayag ni Annabelle.

“Tama ka diyan. Hindi talaga, maganda. Hay naku, sino ba ang may pakana ni-yan?”

“Hindi naman sila magtatagumpay, Shawie. Para bang hindi nag-akyat ng ma-raming pera sa kanila ang ba-wa’t project ng anak ko.

“Parang hindi kami na-kipag-cooperate sa kanila magmula nang mag-umpisa sa pagbibida si Chard. Contract star nila, pero, hindi nila inaalagaan. Eh, ‘di tayo na lang, Shawie, ang mag-alaga! At ang fans, di ba?” pag-papatuloy ni Annabelle.

Muling sinang-ayunan ni megastar ang sinabi ni Annabelle.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagbulong sa atin na isang taon na lang ang contract ni Chard sa GMA-7. At wala pa itong option.

Wala ring clause na pu-wede nilang i-renew ang contract ni Chard for a se-cond year. Nagbibigay tuloy ito ng pahiwatig na da-hil sa ginagawang ito ng GMA-7 ay posibleng magbago ang isip ni Annabelle (bilang manager ng anak) at hindi na mag-renew. Kapag nagkataon, GMA’s loss will be Star Ci-nema’s gain? Tingnan natin.
* * *

Pangalawang pasa-bog ni Annabelle, ang po-sibilidad na magkatulu-yan sina Chard at KC.

“Tumigil ka nga riyan ng kaliliyad mo. Ano ba yan? Ano ‘yan, ha?” pabirong ta-nong ni Mega sa anak na si KC na nakaupong magka-tabi ni Chard sa pagitan ni-la ni Annabelle.

“Ang gusto kong mapanga-sawa ng anak ko ay isang babaing matalino, masipag, mabait at maganda. Naku Shawie, kapag nagkatuluyan ang dalawang ‘yan, magaganda ang magiging apo natin.”

As if hindi pa natatanong ni Annabelle prior to that kung ano ang ikinatatakot ni mega na mangyari sa panganay niya.

Nagtakip tuloy ng unan si-na Chard at KC sa upuan ng mga nanay nila.

Matalino ba si KC?

“I graduated from International Studies (in Paris),” mula kay KC. “That includes the arts, hindi lamang dito sa ating bansa, kundi internationally din.”

Masipag?

“Sobrang masipag. Ayaw nga na walang ginagawa. ‘Pag nasa bahay, hindi mapakali. Dalawang oras na nga lang sa gabi ang tulog, maghahanap pa ng gagawin. Nagtatanong pa kung may bukas pang sinehan,” wika naman ni Mega.

Maganda?

Ina ng awa, may hihigit pa ba sa ganda ni KC?

Mabait?

Kahit nga gusto na ni-yang mag-Ang TV noon, when Shawie stood on her way, hindi na siya kumi-bo. Umiyak na lang sa Mita (lola)Elaine niya. ‘Yung brush at roller ( ng buhok) ang ginawang mikropono ni KC para pagpraktisan ng kanyang mga awitin.

Hindi rin openly ang gi-nawa niya para maipada-ma sa kanyang biological father that no matter what, ama pa rin niya si you-know-who?

‘Pag ayaw ni Shawie na banggitin ang name ng Pa-pa niya, pati ang inyong lingkod ay napapagaya na rin.

* * *

Pero, kung si KC ay simpling Papa lang ang nasa-sabi, hindi po si Annabelle.

“Hay naku, Shawie. Pa-nonoorin ito hindi lamang ng mga fans mo, ng Gutierrez family at kababayan, kundi ng mga fans din ni Gabby (Concepcion),”

Kahit bahagyang tumigil at natigagal si Sha-wie, hindi mapigil ang guest niya.

“Fans ako ng loveteam ninyo, kaya, nanood din ako ng concert ni Gabby!” walang prenong pahayag ni Annabelle.

“Lahat din ng fans ni Gab-by, ‘yung nakasama ko sa concert niya ay tiyak na susuporta din sa movie ni KC at ni Chard, ‘di ba?” baling niya sa mga fans.

Malinaw na malinaw ang message. Tulad ni Annabelle ay gusto rin nilang mapaligaya si KC hindi lamang sa premiere night ng For The First Time” sa Aug. 26, kungdi sa first day sho-wing din nito sa Aug. 27

Hindi rin nakaligtas sa pandinig ng lahat (nang ga-bing ‘yun) ang pangako ni Shawie sa anak na darating siya sa premiere night. Pero nauna nang nagpahayag si Gabby na darating siya, ‘di ba?

Kapag natuloy, si KC na siguro (at si Chard for KC) ang magiging pinaka-masayang anak this wide of the Universe.

No comments: