GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, August 10, 2008

Heart, na-conscious sa halik ni Richard

People's Tonight




BALIK-Asero taping sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista at ang unang eksena nilang kinunan ay ang pagde-deny ni Grecko (character ni Richard) kay Emily (Heart) sa harap ng pamilya nito.

Madrama ang scene, ha, dahil ipinagtabuyan pa nito si Emily sa gitna ng ulanan.

Nu’ng sumunod na araw, lovey-dovey naman ang dalawa sa taping, dahil ang kinunan ay ang kanilang kissing scene.

Na-take 3 pa nga sina Chard at Heart, dahil ang balita nami’y na-conscious nang husto ang dalaga at hindi nakapag-concentrate sa pakikipaghalikan.

Tinanong daw tuloy siya ni Chard ng, “Did you miss me?” Ang sagot naman daw ni Heart ay isang matamis at malambing na “Heh!”

Bukas nga pala, may live interview ang dalawa sa Showbiz Central. Aminin kaya ni Heart ang rason ng biglang pagka-conscious kay Chard? Abangan.

No comments: