GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, August 13, 2008

KC, Richard movie hindi pa alam kung ano ang ending

KC, Richard movie hindi pa alam kung ano ang ending

By: Ricky Calderon
Frontseat

Naaliw kami nang mabasa namin ang blog ni Candy Pangilinan which was posted at www. kcnians,multiply.com, ang website na ginawa ng isang fan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Maraming kuwento si Candy sa naging experience niya sa Greece kung saan kinunan ang For The First Time, ang unang tambalan nina KC at Richard para sa Star Cinema.

Kahit na hindi raw siya nagta-travel alone, kinaya ito ni Candy for the chance na makapunta ng Greece. Gagawin raw niya lahat para makapunta ng Greece, na napag-aralan niya when she was still a student.

Sabi ni Candy sa kanyang blog, “Greece is where most things sprouted -- drama, literature, architecture, dance, sports, the gods, pati yata horoscope galing sa kanya.

“Since Greece is an old nation that had a rich culture, that influenced nations and famous people, why have second thoughts about visiting the place? Dedma sa thought na traveling alone…”

Kuwento pa ni Candy, panay guwapo at magaganda ang tao sa Greece. Ultimo raw panadero sa bakery na binilhan nila ng Greek bread ay guwapo. Pati nga raw mga tindero ng street food, mga pulis, ay guwapo at magaganda ang katawan. Lahat ng tao ay well-built at well-mannered.

Kinunan pa nga ni Candy ng picture ang tindero sa bakery na kanilang pinuntahan. Guwapo nga ito.

Sabi pa ni Candy, nag-blend sina KC at Richard sa mga locals, bilang magkakakulay at magkapareho ang itsura nila.

“Santorini is a place you will fall in love with. The air, the aura, the scenery is so romantic.”

Nag-blend daw ang itsura nina KC at Richard sa lugar. Very evident and outstanding daw ang closeness ng dalawang bida. Kapag daw tinitignan niya sina KC at Chard, halata raw ni Candy na they care for each other.

“Their action said more than anything else. I wasn’t really envious of what they have because they never alienated any of us. They simply looked good together. Hindi. Hindi ako naiinggit. Hindi ko na kaya ang sweetness nila,” sabi pa ni Candy.

Totoo raw na kinikilig siya kina KC at Chard.

For the first time, kinulot ang buhok ni Candy for her role in the movie as the yaya of KC.

Nanghihinayang lang si Candy na mas nauna si-yang umuwi ng Pilipinas from Greece kaysa kina KC at Chard dahil may commitment na siya rito.

Umuwi raw siya with a heavy heart kasi gusto pa raw sana niyang maka-bonding ang mga kasamahan niya sa shoot.

“Sa totoo lang, my Greece experience wouldn’t be as memorable if it wasn’t with the same group. It was meant to be with them. It was meant to happened, as it happened. And I just felt so blessed,” ending ni Candy sa kanyang blog.

* * *

Wala pa raw ending ang For The First Time topbilled by KC Concepcion and Richard Gutierrez. Well, that is according to the script na hawak ng manager ni KC na si Shirley Kuan.

Nagso-shooting pa rin ang movie. Nag-break lang si KC last Friday dahil da-dalo siya sa concert ng kanyang Megastar Mom na si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum.

Noong Thursday ay 4 a.m., na-packed ang shooting nina KC at Chard sa Tagaytay. Pero si KC lang ang pinauwi ng hotel at pinatulog dahil may call time pa siya ng 2 p.m.

From Tagaytay, dumiretso si Chard sa Ca-vite para naman sa solo scenes niya na kukunan. Patuloy na pa ring ang shooting nina KC at Chard. Tinatapos na nila ang movie dahil may playdate na ito sa August 27.

1 comment:

biboy said...

di maganda tema ng pelikula, mahahalata mo laging parang tirik mata nila sa romansa, mahalay tignan di naman sila open na magsyota, tsaka iba mga hawak ni richard kay kc may halong pambabastos, sana pagsabihan ni sharon si kc, para kasing si lea salonga paghanga ng marami sa kanya, kagalang galang hindi bastusin