Ruffa and Raymond Gutierrez both like KC Concepcion to be Richard's girlfriend
Glen Sibonga
Wednesday, August 27, 2008
01:48 PM
Super excited at kinikilig sina Ruffa at Raymond Gutierrez para sa kanilang kapatid na si Richard sa pakikipagtambal nito kay KC Concepcion sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema, na showing na today, August 27.
Halatang botong-boto sina Ruffa at Raymond sa Richard-KC love team nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa cast party na inihanda ng Star Cinema sa Florabel Restaurant after ng premiere night kagabi, August 26, sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall, Mandaluyong City, na talaga namang dinumog ng mga fans, family, and friends nina Richard at KC.
"Ang chemistry nila, talagang kitang-kita on and off screen. Talagang makikita mo at hindi na kailangang umarte pa. Magandang-maganda silang tingnan onscreen," sagot ni Ruffa nang hingan siya ng PEP ng comment tungkol sa chemistry nina Richard at KC.
Sey naman ni Raymond, "Their onscreen chemistry is great. Yung looks pa lang nila bagay na bagay na-their features, their height, and the way they carry themselves."
Just in case matuloy na nga na maging girlfriend na ni Richard si KC in real life, ano'ng reaction nila rito?
"Well, tutal mga bata pa naman sila, maganda siguro is to strengthen their friendship and take their time also. Kasi pangit naman if after one or two years, maghihiwalay din sila. Mabuti na yung lasting yung friendship nila forever pero mas malalim. Feeling ko kahit na gustung-gusto ko silang dalawa in real life, siguro dapat unahin muna nila ang career," payo ni Ruffa.
Para naman kay Raymond, "For me kasi I don't want to pressure them na, ‘O, kayo na ba?' Hayaan na lang natin sila. When they have decided, I'm sure all of us will know. Kung si KC na nga talaga ang maging girlfriend ni ‘Chard? Of course! Two thumbs up."
IMPRESSIVE ACTING. Hangang-hanga rin ang magkapatid sa ganda ng pelikula at sa kakaibang akting na ipinakita nina Richard at KC.
Ani Raymond, "You know, ang mako-comment ko lang after watching the movie, I'm gonna book a flight to Greece. Napakaganda and napaka-romantic. And parang postcards yung ibang scenes. Napabilib din ako sa akting ni ‘Chard pati ni KC, ibang-ibang sa KC at Chard na kilala ko. Nag-drama talaga sila and they were able to show a different side of them.
"Si Richard napanood na nating nag-action, nag-comedy, pero ito, one of the few times na drama yung ginawa niya. Si KC din for a first timer, when you watch her, parang akala mo veteran na rin siya. So, I congratulate the two of them."
Pahayag naman ni Ruffa, "Revelation sa movie si KC at saka si ‘Chard. Sa tingin ko talagang pinigang-piniga nang husto ni Direk Joyce [Bernal] si ‘Chard dahil ibang-ibang klaseng lalim sa acting. At sa kanyang mga mata, ang nakita ko na hindi ko nakita sa mga past niyang movies. Of course si KC talagang napaiyak din niya ako. Lahat ng kasamahan nila sa movie, magagaling, talagang congratulations."
KAPAMILYA SUPPORT. Bilang isang Kapamilya, ano naman ang masasabi ni Ruffa sa magandang treatment ng ABS-CBN at Star Cinema sa kanyang kapatid na si Richard, knowing na isa itong Kapuso?
"Bilang isang Kapamilya, ako'y natutuwa na si Richard-na ipinahiram ng GMA Films sa Star Cinema-ay talagang napakaganda ng pagwi-welcome ng mga taga-ABS at Star Cinema sa kanya, which is hindi namin hiningi, hindi hiningi ni Richard, o ng mommy ko. Kusa nila itong ibinigay and talagang masasabi namin na maling-mali yung mga detractors ng ABS-CBN.
"Kasi akala nila ima-manipulate nila yung promo, and hindi nila tatratuhin ng maganda si Richard. Lahat yun hindi totoo, talagang napakaganda ng pagwi-welcome nila kay ‘Chard, at si ‘Chard talagang overwhelmed, sobrang saya, very honored at touched siya sa mga kasamahan ko sa ABS like Angel [Locsin], Piolo [Pascual], Aga [Muhlach], Cesar [Montano]-all the big stars ay nagbigay ng greetings at endorsements para sa film. They didn't have to do it, but yet they did. Ibig sabihin talagang sumusuporta sila kahit sa baguhan sa network namin. And that's how it should be in the industry."
‘CHARD AS KAPAMILYA. So, wish niya ba na makasama na si Richard bilang Kapamilya sa ABS-CBN?
"Well, he still has a contract with GMA. Malaki ang naitulong ng GMA sa kanyang career. Let's not burn bridges. Masaya si Richard sa GMA. Masaya rin naman siya sa unang pelikulang ginawa niya sa Star Cinema. So, hopefully one day wala nang network war, at lahat puwede nang magsama-sama in one station, lahat masaya."
Ipinahayag din ni Ruffa ang labis niyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa premiere night ng For The First Time.
"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga fans na pumunta sa premiere night sa Megamall. Hapon pa lang, ang dami nang tao. Nakakatuwa, siyempre lahat talaga ninenerbyos dahil nakikita namin, lahat pagod, nakikita namin ang mukha nina KC at ‘Chard halos wala nang pahinga, haggard na, walang tulog. Talagang pinaganda nila itong pelikulang ito.
"I'm very happy na nagustuhan ng mga tao yung pelikula and hopefully kung anong support yung pinakita nila sa premiere night, ipakita rin nila yun sa opening day at sa mga susunod pang mga araw."

No comments:
Post a Comment