GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, August 10, 2008

For The First Time

For The First Time

SA sobrang hectic ng schedule ni Richard Gutierrez, namumroblema ang
nanay cum manager niyang si Annabelle Rama dahil wala silang maibigay
na schedule sa Star Cinema para sa global premiere nights ng For The
First Time movie nina Richard at KC Concepcion.
Gusto ng Star Cine­ma na magkaroon ng glo­bal premiere nights sa
Spain, Greece, San Francisco at Los Angeles.
Excited na si Richard -- ang problema ay kung maisisingit pa ng binata
sa kanyang schedule ang mga ‘yon.
Sabi ni Bisaya, tina-try niyang ayusin ang sche­dule ni Richard para
mapagbigyan ang Star Cinema.
“May isang commercial nga si Richard na para makapag-shoot lang siya,
nag-rent ng studio na malapit sa location ng Codename: Asero.
“During lunch break, doon lang nakapag-shoot si Richard para sa
commercial na ‘yon.
“Iyung tungkol sa glo­bal premiere nights, gusto talaga ni Richard.
Ang problema, hirap akong i-accommodate ‘yon sa sche­dule ng anak ko.
“Pero pipilitin kong gawan ng paraan,” pahayag ni Bisaya.
Samantala, ayaw na munang patulan ni Bisaya ang ilang mga
pang-iintriga sa kanyang anak.
“Nag-usap na kami nina Ruffa at Raymond.
Ayaw ng mga anak ko na patulan ko pa ang mga pang-iintriga kay
Richard, kaya tahimik lang muna ang beauty ko.
“Ayoko munang patulan ang mga negative na balita. Puro positive muna
at malapit nang ipalabas ang For The First Time,” sey ni Bisaya.
Inamin din ni Bisaya na kapag napapanood na niya ang trailer ng For
The First Time ay nakakali­mutan niya ang mga pang-iintriga ng iba sa
kanyang anak.
Mas napo-focus kasi sa pagkakilig niya sa tamba­lang Richard-KC ang
kanyang atensyon, kaya deadma na siya sa mga intriga.

No comments: