GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, August 26, 2008

Richard, tinalbugan si Prince William!

Richard, tinalbugan si Prince William!
Angel, last resort ni Piolo!



FOR the first time ay nasaksihan ng buong mundo ang ginawang royal treatment sa hiniram nilang artista na toprater ng kalabang network.


Dinaig pa ni Richard Gutierrez ang trato kay Prince William ng United Kingdom sa strong, very, very strong support na itinabon nila sa binata ni Anna­­belle Rama.


Nalunod sa kaligayahan si Bisaya sa dami ng mga artistang nag-plugging at nag-imbita para manood ng KC-Richard movie na “For The First Time”.
Lahat ng mga artista, as in lahat na -- including Juday pa, -- ay nag-engganyo sa publiko na panoorin ang first team-up nina KC at Richard.


Kung dadaganan lang si Richard ng dami ng mga artistang kinayag ng Star Cinema ay makakabuo ka na ng tallest condo around ABS-CBN.


Pa-impress ‘yan kay Annabelle Rama para ilipat na niya si Richard sa ABS-CBN and be one of those na lang na mga lalaking nakatengga.


Sana po ay hindi mabulagan si Bisaya sa royal treatment sa anak niya na style ng mga pirata -- bibigyan ng importansya, sobrang importansya at kapag nanduon na at nasungkit na ay babalewalain na lang, hindebah, Anjo Yllana, Arnell Ignacio, Ai Ai delas Alas, etc.?


Lunod na lunod nga si Bisaya sa sobrang importansya raw na ibinigay sa binata niya.


Halos lahat ng programa ng ABS-CBN ay nag-guest sina Richard at KC.

Sabado ay lagare sa “Startalk” at “Entertainment Live” sina KC at Richard, Sunday ay lagare rin sila sa “The Buzz” at “Showbiz Central” at iba pang shows ng ABS-CBN.


Ang tanong ngayon -- kapag kaya ginawa na ang Richard-KC movie ng GMA Films ay maluwag ka­yang makakapag-promote ang dalawa sa ABS-CBN grounds?


Madalas naming pagtalunan ni Bisaya ang balak niyang ilipat si Richard sa ABS-CBN. Sinasabi namin kay Bisaya, as it is now ay si Richard ang top sa GMA Network with strong support from Dingdong Dantes.


Mas malaki ang kalamangan ni Richard sa rekord niya kay Dingdong. Ngayon, kapag inilipat ni Bisaya si Richard sa ABS ay si Dingdong na ang magi­­ging hari ng GMA Network at si Richard ay magiging “one-of-those” na lang with Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, John Prats, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Enchong Dee, atbp.


At makakatikim na ng bading si Richard. Ha! Ha! Ha! Ha!


Mabuti na lang at walang nagselos sa ro­yal treatment na ibinigay kay Richard ng ABS. Unlike nu’ng si Angel Locsin ang i-welcome sa ABS, ang daming mga babaing nang-ismid dahil sa inggit.


Eh ngayon, asan na si Angel at natabunan agad ng apo kong si KC Concepcion?


At papaano na ang papa Piolo ko, tuluyan nang natabunan ni Ri­chard Gutierrez? Kunsabagay, alam kong welcome na welcome sa papa ko kung magju-join sa kampo nila si Ri­chard.


Ay teka nga pala, doon sa isang umpukan ay kinantyawan ako ng mga bading dahil sa isiniwalat kong mga na­ging leading ladies ni Piolo na nawalan nang career.


May isang bading na nagdagdag ng info -- lea­ding man din daw si Piolo hindi lang ng mga namatayan ng career kundi pati na namatayan ng boyprens!

Oo nga naman, na­matay ang boypren ni Claudine Barretto na si Rico Yan.

Namatay din ang boypren ni Angel Locsin na si Mico Sotto, debah?


If they come in threes, sinong next? Huwag na po LORD, huwag na po! AMEN.


So, back to Richard Gutierrez, kahit na may hindi kasundo si Bisaya sa GMA Network, iba naman ang ka-deal ni Bisaya sa GMA kaya no­thing to worry.

At sana, pag-isipang maige ni Bisaya ang desisyon niya at huwag siyang pabigla-bigla, hindebah Mother Lily?


Ay yes nga pala, ni-release na nga raw ni Mother Lily si Angel Locsin, tutal naman daw wala na itong career. Umaasa pa si Piolo na gagawa sila ng movie ni Angel.


Last resort na lang kasi ni Piolo si Angel eh. Eh, kanino pa ba siya kakapit may Ryan Agoncillo na si Juday!


Utusan na lang kaya ni Piolo ang “anak” niya kuno na siyang maghanap ng tamang babae para sa kanya.

Bukas na ang sho­wing ng “For The First Time”. And so mga fans ni Richard Gutierrez, ipakita niyong ang idolo pa rin ninyo ang siyang tunay na HARI ng takilya at teleserye, ha!

No comments: