GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, August 26, 2008

Dingdong at Marian, manonood ng movie nina Richard at KC

Dingdong at Marian, manonood ng movie nina Richard at KC
ALLAN DIONES

MAMAYA na ang premiere night ng For The First Time nina KC Concepcion at Richard Gutier­rez, pero kahapon lang nang umaga finally natapos ang pelikula.

Bandang 7:00 AM kahapon natapos ang shooting at kahit pack-up na si KC Concepcion ay hinintay ng dalaga na isigaw ni Direk Joyce Bernal ang salitang “PRINT!” na ibig sabihin ay tapos na tapos na ang pelikula at pwede nang i-print ang kabuuan.

‘Yun pala ang hu­ling isinisigaw ng direktor ‘pag natapos na ang pelikula at sadyang inantabayan ‘yon ni KC. Eksena nila ni Richard ang huling kinunan, pero 5:00 AM pa na-pack up si Chard at segue na yata ang binata sa taping nito ng Codename: Asero.

Ikinatuwa ni Bb. Joyce na ibinigay ng Star Cinema ‘yung request niya na sa Greece sila mag-shoot ng KC-Richard mo­vie.
Dayalog sa amin ni direk, ‘yun na ang pinaka-bonus niya dahil natupad ang pangarap niyang makarating ng Greece nang lib­re.

“Ang ganda-ganda nu’ng lugar! Tapos, araw-araw nililibre ako nina KC at Richard ng pagkain at inumin bilang pareho silang mayaman.

“Ang sarap umi­nom sa Greece. They have the best wine!” pang-iinggit pa sa amin ni Bb. Joyce.

Inamin sa amin ni direk na medyo nagkaproblema sila sa script ni Va­nessa Valdez (sumulat din ng One More Chance, A Love Story, Paano Kita Iibigin, atbp.) kaya natagalan ang shooting nila.

Bukod doon ay late na rin silang nakapagsimula ng pelikula. Hindi raw nila in-expect na aabutin sila nang matagal.

Pagbalik nila mula sa Santorini ay ang dami pa pala nilang kailangang i-shoot dito.
Nu’ng Hunyo ay pa­naka-naka lang ang shoot nila. Hulyo na sila nakaratsada ng shooting, tapos ay last week ng August ang showing nila, kaya puyatan ang drama nila at walang tulugan.

Happy si Bb. Joyce sa resulta ng KC-Chard movie at umaasa siyang magugustuhan ng publiko ang first movie team-up ng dalawa.

Friends ni Direk Joyce sina KC at Richard, pero malapit din siya kina Dingdong Dantes at Marian Rivera na dinidirek niya sa Dyesebel.

Hindi naniniwala si direk sa ginagawang isyu sa pagitan nina KC-Chard at Dong-Marian dahil alam niyang walang problema sa apat.

Bukas nang gabi ay manonood si Bb. Joyce ng birthday concert nina Dong-Marian sa Araneta Coliseum.

May usapan din sila nina Dingdong at Marian na magkakasama silang manonood sa sinehan ng For The First Time bilang suporta kay Direk Joyce at ganu’n na rin kina KC at Richard.

***

May istoryang Richard-KC at Dingdong-Marian din sa ‘Moments & Mementos’ episode ng The Ricky Lo Exclusives mamayang 8:25 PM sa Q-11.
Tampok din dito ang pagdadalamhati ng bagong panganak na si Jennylyn Mercado sa pagpanaw ng kanyang ama-amahan, ang pagpapakasal ni Joyce Jimenez sa Amerika at ang binyag ng anak nina Sheree at Gian Magdangal.

No comments: