GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, August 16, 2008

Tambalang Richard-KC, nagmumura sa chemistry

Tambalang Richard-KC, nagmumura sa chemistry
By: Nitz Miralles
Basta

MAGANDA ang full trailer ng For the First Time, ang Star Cinema movie na tampok ang tambalang Richard Gutierrez at KC Concepcion.

Nagmumura sa chemistry ang dalawa at ang gandang pagmasdan na nagku-compliment ang kanilang looks.

Very Bb. Joyce Bernal ang mga eksena at mushy lines (pero very romantic) at ’di nakakagulat kung bakit marami na ang naghihintay na mapanood ang movie.

Ilang tulog na lang ang ipaghihintay ng fans dahil sa August 27 na ang showing nito.

’Katuwa ang eksena ng unang pagkikita nina Pia (KC) at Seth (Richard) kung saan nakatikim ng sipa at tadyak ang binata.

Ladies man dito si Seth at ang description sa kanya ni Pia ay “boyfriend ng buong barkada at buong mundo.”

Talaga palang binalahura ni Direk Joyce ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta, dahil may mga eksena itong naghihilik, nagbabasag ng pinggan at umuutot!

Pero, kai-inlaban ang mga eksena nina Richard at KC sa Santorini at iba pang parte ng Greece.

Bagay na 15th anniversary ng Star Cinema ang For the First Time na incidentally, ang theme song ay kinanta rin ni KC.


No comments: