GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, August 23, 2008

Annabelle Rama on the warpath again because of Richard-KC movie and Dingdong-Marian birthday concert showdown

Nagpupuyos na naman sa galit si Annabelle Rama, this time tungkol sa isyung tinapatan ang pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez at KC Concepcion na For The First Time from Star Cinema ng birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum. Sa August 27 ang first day of showing ng For The First Time at kinagabihan naman ang birthday concert nina Dingdong at Marian na bigay sa kanila ng GMA-7 para sa fans ng Dyesebel stars.



Unang pelikula ni Richard sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, ang For The First Time. At gaya nina Dingdong at Marian, Kapuso artist din si Richard.



Nang unang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum, ayaw pa niyang ipasulat ang maaanghang niyang mga salita na "desperado" ang may kagagawan ng pagtatapat ng birthday concert nina Dingdong at Marian sa pelikula nina Richard at KC. Pero kahapon, August 22, ay tumatalak na siya sa programang Wow, Ang Showbiz! nina Ogie Diaz at Fernan de Guzman sa dzXL.



Banat ni Annabelle, "Ayaw ba nilang makipagkabigan? Ayaw nilang makipag-peace. Birthday ni Dingdong, August 2 at si Marian, August 12. Ano ba ‘yan, dong! Ang layo ng 27 para mag-celebrate. Puwede naman 14, 15, 16, 17. Bakit tumapat sa playdate ng mga bata [Richard and KC]? Wednesday pa, ‘tapos free pa! Puwede namang weekend dahil Araneta yun. Sinadya talagang araw ng showing, hindi ko maintindihan!



"Dapat nagpabayad na rin sila para malaman kung sino ang mananalo. Exclusive contract nila si Richard sa GMA, hindi nangangaliwa, very loyal. Pinayagan siya para gumawa sa kabila [Star Cinema] dahil gagawa rin sila ni KC sa Valentine's day, pero ano ang ginawa nila?" hinaing ng ina ni Richard.



Ano ang reaksiyon ni Richard dito?



"Alam mo naman si Richard, katulad ‘yan ng daddy [Eddie Gutierrez] niya, hindi kumikibo. Wala talagang bad vibes si Richard. Maganda ang pelikula. Mag-e-enjoy ang moviegoers. Sabi niya, ‘Mommy, huwag ka nang mag-react, ang mga wrinkles.' Very relax, hindi nai-insecure at may tiwala sa sarili si Chard," lahad ni Annabelle.



Ayon pa kay Annabelle, kinausap daw niya ang executives ng GMA-7 kung bakit tinapatan ang For The First Time ng birthday concert nina Dingdong at Marian.



"Nagulat talaga ako," sabi niya. "Ano'ng nangyayari, giyera ito? Nagpo-promote sina Richard at KC, may nagpo-promote naman na kasabay doon? Ang reason, wala nang playdate sa Araneta. Puwede naman sila umiwas lalo't may pinirmahan ang Star Cinema sa GMA. Puwede namang hayaan muna ang mga bata. Huwag sumawsaw sa playdate.



"Sana makarma ang may kagagawan nito! Ibang magalit ang mga Bisaya! May devil diyan sa GMA na isa! Alam ko ‘yang babaeng ‘yan na executive ang may kagagawan! ‘Yan ang inggitera at kontrabada! Marami na ang nagagalit diyan!" deklara ni Annabelle.



First time na gumawa sa Star Cinema si Richard, pero nakita ni Annabelle ang suporta sa anak niya. Very thankful si Annabelle na kahit yung mga Kapamilya stars ay nag-e-endorse ng For The First Time, tulad nina Aga Muhlach, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, at Angel Locsin.



May isang taon pang contract si Richard sa GMA-7, pero kinakausap na raw ni Annabelle ang lawyer niya kung puwedeng hindi na tapusin ito dahil sa pangyayari.



Kaugnay nito, hiningan ng PEP ng reaksiyon ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante tungkol sa nabalitaan namin na ayaw na diumanong makipag-deal ng Kapuso network kay Annabelle dahil sa mga naging pahayag nito tungkol sa pagtatapat ng pelikula ng anak sa birthday concert nina Dingdong at Marian.



Ayon kay Ms. Wilma, GMA loves dealing with her. Sinegundahan naman ito ni Noel Ferrer ng GMA Films at sinabing, "Richard Gutierrez is still in contract with GMA Films." Marami pa rin daw projects na naka-lineup para sa anak ni Annabelle.



Sa August 26 ang premiere night ng For The First Time sa Megamall, pero ngayon pa lang ay balitang star-studded ito na pagsasamahan ng mga artistang Kapuso at Kapamilya. Balitang dadaluhan din ito nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, at Angel. Nakumpirma rin na dadalo ang mga magulan ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pero ang plano ay magkahiwalay ang dalawa sa dalawang sinehan na paglalabasan nito.

No comments: