GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, August 25, 2008

Richard Gutierrez and KC Concepcion kissed in front of other tourists in Santorini

Richard Gutierrez and KC Concepcion kissed in front of other tourists in Santorini
Nora Calderon
Sunday, August 24, 2008
08:45 PM




First time ni KC Concepcion na tumapak sa Broadway Studio ng GMA-7 kaninang hapon, August 24, kasama ang kanyang leading man na si Richard Gutierrez para i-promote ang first movie together nila, ang For The First Time ng Star Cinema, sa Showbiz Central. No less than Richard's twin brother, Raymond Gutierrez, ang nag-interview sa kanila.



RAYMOND: Ano ang naging vision ninyo nang finally ay natuloy na rin ang paggawa ninyo ng first movie ninyo together?

KC: Noon pa kami friends ni Richard, at minsang nagkausap kami sa telepono, na-bring-up niya ‘yong possibility na bakit hindi kami magsama sa isang movie? Sabi ko, bakit nga hindi, na mapagkasundo namin kahit sandali ang GMA Network at ang ABS-CBN? That was the time na nasa height ang network war.

RICHARD: Pareho kaming gumawa ng paraan ni KC na matuloy ang movie, at hindi nga lamang isa, kundi dalawa pa. Dahil isusunod na namin dito ang movie naman namin sa GMA Films for Valentine next year.



RAYMOND: Ano ang advice na ibinigay mo Chard kay KC, since first time nga niyang gumawa ng movie?

RICHARD: Ang advice ko lang sa kanya kapag nagti-take kami, she just breathe and relax. Pero ang totoo si Direk, si Bb. Joyce Bernal, ang nag-guide sa amin. Binuksan niya ang mga puso namin para gawin lahat ng eksenang ipinagawa niya sa amin. Pero may isang eksena rito na nalimutan ni KC ang advice ko, hindi siya talaga nakahinga, nag-hyperventilate na siya at hindi niya maihinto ang pag-iyak niya.

KC: Hindi talaga ako nakahinga, iyak ako nang iyak,. Nalimutan kong pelikula ‘yon at umaarte lang ako. Nadala talaga ako ng eksena.



RAYMOND: Anong inspirasyon ang nakuha ninyo sa isa't isa habang ginagawa ninyo ang movie?

RICHARD: Matagal na rin akong gumagawa ng movie, pero dito nakita ko, naramdaman ko, kung paano binuksan ni KC ang puso niya sa bawat eksenang gawin namin, at na-inspire din niya ako, kahit pa nga ito ang first movie niya.

KC: Marami akong natutunan sa kanya dahil matagal na nga siyang gumagawa ng movie. Ako, talagang bago lahat sa akin kaya na-inspire ako sa mga nakikita ko sa kanya, kung gaano siya ka-relax sa mga ipinagagawa sa kanya ni Bb. Joyce.



RAYMOND: Magkuwento naman kayo tungkol sa Santorini, Greece. Ako, talagang gustung-gusto kong makasama sa inyo, pero dahil sa paghu-host ko sa Pinoy Idol, hindi ako natuloy.

RICHARD: Oo nga, ikaw sana ang pagbubuhatin ko ng mga gamit namin sa shooting, sayang at hindi ka nakasama. Pero doon nagkaroon kami ng bonding dahil tulungan kami sa pagbubuhat ng mga gamit. Kaunti lang kasi ang staff na kasama namin sa location.

KC: Yes, ang hirap pa naman dahil akyat-panaog kami doon. Yung lugar kasi, parang isang barangay lang, pero mataas kaya kailangang mag-akyat-panaog kami. Pero masaya, masaya naming ginawa ‘yon.



RAYMOND: Pag-usapan natin ang tungkol sa kissing scene ninyo na kinunan daw sa mataas na lugar sa Santorini. May ugali raw sa Santorini, na kapag sunset, naiipon ang mga turista at pinapalakpakan nila ang sunset, totoo ba 'yon?

RICHARD: Yes, nakakatuwa sila dahil ang dami-daming turista at naiipon nga sila do'n kapag sunset na. Ang nakakatawa, nang bago kami mag-take ng kissing scene, sumigaw si Bb. Joyce sa mga turista na ‘They will be kissing each other, watch them!' Kaya talagang hinintay nila ‘yong kissing scene namin at pumalakpak silang lahat pagkatapos.

KC: Natakot ako, kasi first time ko ring makikipag-kissing scene on screen. Hindi ko pa alam ang gagawin. Natakot ako hindi lang sa camera, sa mga turista rin. Nakahinga lang ako na after ng take, nagpalakpakan sila.



RAYMOND: "Mahilig daw kayong magpadala ng pagkain, lalo na kung isa sa inyo ang hindi nagsu-shooting?

RICHARD: Si KC, she's very thoughtful, very sweet. Kapag hindi ako nagsu-shooting, nagpapadala siya ng food. May gustung-gusto akong food na ipinadadala niya. She's a vegetarian, na vegetables and fish lang ang kinakain niya. Pero ‘yong ipinadadala niyang veggie food, lasang barbecue pero hindi siya meat. Pero hindi naman ako lang ang pinadadalhan niya, kasama rin ang production staff and crew. Ganoon siya ka-thoughtful.

KC: Sa first shooting day ko, nagpadala si Chard ng cupcakes. Madalas din siyang magpa-lechon, nagpapadala siya ng palabok, para rin sa aming lahat.



RAYMOND: Kapag hindi raw nagti-take ang isa sa inyo, sa halip na mag-relax sa dressing room, hindi ginagawa at sa halip, nakatitig pa rin sa monitor.

RICHARD: Hindi naman, isa ‘yon sa bonding namin. Pinapanood namin ang ginagawa ng isa't isa para alam namin kung ano ang susunod na gagawin. Ganoon kami nina Shane [their cinematographer] pinapanood namin ang ginagawa ni KC. Wala kami talagang iwanan.



RAYMOND: Totoo bang may mga nabago sa story ng movie?

RICHARD: Ang husay-husay talaga ni Bb. Joyce. Akala namin, nagri-relax lang kami ni KC. For example, ‘yong nagme-merienda kami, ‘tapos bigla na lang naming maririnig na sisigaw siya ng ‘Cut!' Nagsu-shoot pala siya ng lagay na ‘yon. Hinayaan pala niyang maging natural lang ang ginagawa namin.

KC: Ang alam namin, dahil first movie namin together ito ni Richard, romantic comedy lang ito pero naging light drama/comedy na pala. Maganda!



RAYMOND: Grabe raw ang turnout ng mga tao kahapon (August 23) sa mall show ninyo sa SM Bacoor.

RICHARD: Yes, at nagpapasalamat kami sa lahat ng mga taong pumunta doon. Hindi namin in-expect na maraming manonood sa amin. Maraming-maraming salamat!

KC: Yes, maraming-maraming salamat sa inyong lahat at salamat din kay Richard. Siya kasi ang naging human shield ko sa dami ng tao, siya ‘yong nakukurot at nahahawakan ng mga tao. Nasa likod lang niya ako.



Nagpasalamat din sina Richard at KC sa GMA Films at sa Star Cinema na maging posible ang pagtatambal nila, ganundin sa ABS-CBN at GMA-7 sa pagpayag na mag-promote sila sa mga shows ng magkabilang network.



RAYMOND: So, ang susunod ninyo, sa GMA Films na. Ano naman ang magiging story nito?

RICHARD: "May comedy pa rin, pero more on love na ididirek ni Joey Reyes.



RAYMOND: Last question before you leave, pinapatanong ni Swee (John Lapus) kung kayo na ba. So, kayo na ba?

Pero hindi sumagot ang dalawa at ngumiti lang sila.

RAYMOND: "Hindi sila makasagot. Yun na yon!"



Sa Tuesday, August 26, premiere showing na ng For The First Time sa SM Megamall Cinema 9 & 10. Kaabang-abang kung totoong parehong a-attend ang mga magulang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at magkahiwalay na sinehan ang papanooran nila.



Sa Wednesday, August 27, ang opening ng movie in more than 100 theaters nationwide. Hindi makakasama ni KC si Richard sa international premiere night ng movie sa Los Angeles (September 6) at sa San Francisco (September 7) dahil may taping si Richard ng Codename: Asero sa GMA-7. Pero sa September 28, magkasama silang a-attend sa global premiere ng movie, na for the first time ay gagawin sa Vienna, Austria.

No comments: