GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, August 1, 2008

Richard, ‘nalambutan’ sa lips ni KC!

(DONDON SERMINO)


ANG kissing scene agad nina Richard Gu­tierrez at KC Concepcion sa presscon ng pelikulang For The First Time ng Star Cinema, ang agad na inusisa ng entertainment editor ng Abante Tonite na si Jerry Olea.
“Meron pa po kasing isa na hindi pa nakukunan. At `yun ‘yung may meaning…


“Pero, kumbaga, nan­dun kami sa Greece, imposible naman na walang kissing scene. So, dinagdagan ni direk Joyce (Bernal). Pero, sobrang ninerbiyos po talaga ako.


“‘Yun bang ‘yung ca­mera, parang hindi na­ging friendly. Sa isip ko, parang nakikialam `yung camera, na tsismoso `yung camera. Sobra akong nininerbiyos, nakailang takes talaga kami. Pero, after that, ang ganda kasi ng view, ang ganda ng lugar, ang ganda, na nasa tuktok kami, at kitang-kita lahat, na pati mga damit namin bumagay talaga sa view,” kuwento ni KC.


“At hindi lang `yon, dahil `yung mga fo­reigners nanonood talaga sa amin. At pumalakpak nu’ng nagki-kissing scene kami. Paglingon namin, ang daming taong nanonood,” hirit naman ni Richard.


“Lalo tuloy akong na-conscious. Parang may times na tinatago ko `yung gums ko sa balikat ko. First time ko po tala­ga, kaya sobrang nerbiyos.


“Eh, si Chard, ang da­mi na niyang experience sa ganu’n. Matagal na rin siyang gumagawa ng pelikula. Nahiya ako sa kanila, kaya sorry ako nang sorry. Nahiya tala­ga ako, pero sabi ko sa kanila, anything na ipagawa nila sa akin, okey na ako, parang ganu`n,” pa­tuloy na kuwento ni KC.


Sinalag naman ni Ri­chard ang sabi ni KC na sanay na itong makipag­halikan.


“Hindi naman. Nahihiya pa rin naman ako. Kinabahan din kaya ako,” sabi ni Richard.


Magaling bang humalik si Richard?


“Sobra naman kayo! Huwag namang ganu’n! Wala namang ganya­nan!” umaalmang singit ni Richard.


“May respeto po siya sa mga babae. Si direk Joyce mismo ang nag-confirm sa akin, para lang alam ko, na may respeto si Chard sa mga babae.


“Ang dami kong natu­tunan bilang aktres, na kailangan hindi mahiya, na dapat tandaan na may ibang buhay kang ginagampanan. Nakapag-usap kami ng maganda ni direk, na sinabi nga niya na may mga artista na, hindi naman sa walang respeto, pero ginagawa nila kung ano `yung dapat gawin. Si Chard, parang nagdadalawang- isip pa.


“Sana, if ever may kunan pa silang mga eksena na ganu’n, mas kumpor­table na po ako,” say na lang ni KC.


Gulat na gulat naman si Richard sa tanong kung paano niya idi-describe ang mga labi ni KC.


“Sobra naman kayo!” sabi niya.


Ilang minuto muna ang nakalipas bago niya tuluyang nasagot ang tanong sa kanya.


“Dahil kinabahan ako sa kissing scene namin, dinamayan ko kasi siya roon. ‘Yung lips ni KC…Ini-imagine ko pa `yung nangyari, eh.


“Siguro, ‘yung lips ni KC, the softest lips I’ve ever kissed. Basta `yun lang ang alam ko,” say na lang ni Richard.

No comments: