GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, August 27, 2008

Abante

Abante
Jun Nardo

TAOB ang mga male stars ng ABS-CBN nga­yon dahil ang dalawang hottest na stars ng GMA na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ang laman ng dyaryo at pinagsasabong dahil sa dalawang showbiz events na nagtatampok sa kanila.


Si Chard, showing ngayon ang movie nila ni KC Concepcion na For The First Time. Si Dong naman, dance to the max sila ni Marian Rivera tonight sa Araneta Coliseum para sa double birthday celeb­ration nilang Let’s Ce­lebrate.


So, move over, PP, JLC, SM, JC, at sino pa nga ba dahil sina Ri­chard at Dingdong pa rin ang hottest male stars ngayon na produkto ng GMA 7.


Of course, cre­dit should be given to Anna­belle Rama sa pagpapahayag ng sama ng loob niya sa pakikipagsabay ng Dingdong-Marian show sa first day showing ng Richard-KC debut team up.


Hayun at kaliwa’t kanang depensa, paliwanag ang pinahayag naman ng Dingdong-Marian camp. Mas inte­resante nga namang basa­hin ang paliwanag ng isa’t isa kesa sa mga walang kawawaang pralala ng ibang male stars, huh!


After all, top raters sa primetime ang Codename: Asero ni Richard at gayundin ang Dyese­bel nina Dingdong at Marian. Their shows rule the evening slot at lampaso sa ratings ang mga kasabayan nitong shows.

No comments: