Allan Diones
SUPER-EXCITED si Richard Gutierrez sa pelikula nila ni KC Concepcion na For the First Time mula sa Star Cinema.
Napakasuwerte raw ng feeling ng binata na katabi niya kahapon si KC sa presscon ng pelikula (sa 9501 resto ng ABS-CBN) at siya ang katambal nito sa unang pelikula ng dalaga.
So, kumusta ang first time nila na magkatrabaho at magsama sa isang movie project?
RICHARD: Marami kaming first sa pelikulang ito. Sa kabuuan, it’s exciting, fun, adventurous at memorable for me, at talagang I feel very blessed to be working with Star Cinema, Direk Joyce (Bernal) and especially to be working with KC on her first movie.
Talagang enjoy lang kami. Kahit na mahirap ‘yung shoot namin sa Greece, it was worth it. In-enjoy namin ‘yung bawat step ng paggawa ng pelikulang ito at hanggang ngayon, ina-absorb pa rin namin ‘yung experience. Hanggang ngayon, nandito pa rin kami sa journey namin, so, masaya.
KC: ‘Yung sa akin, sobrang nagpapasalamat ako sa Star Cinema na ‘yung very first na pelikula ko, abroad agad and with someone na hindi namin ine-expect na makakasama namin dito, to be with ABS. And talagang exciting siya.
Alam mo, si Chard, sobrang adventurous ‘yan, eh! Lahat, parang adventure sa kanya. Talagang typical na lalaki na parang excited lagi. Laging bago ‘yung experience na pinapakita niya sa ‘yo. Nu’ng nasa Greece kami, may ATV (all-terrain vehicle) na nire2ntahan siya, may speedboat, so, lagi kaming masaya sa set!
***
May ibinigay na lava necklace sa isa’t isa sina KC at Richard nang mag-shoot sila sa Santorini, Greece.
Ayon kay KC, nu’ng nasa college siya sa Europa ay lagi siyang niyayaya ng mga barkada niya na pumunta ng Greece, pero ayaw niyang sumama.
Ang sabi niya sa mga ito, one day ay may special event na ‘yun ang magiging rason para pumunta siya roon.
Dinalhan siya ng mga kaibigan niya noon ng kuwintas na gawa sa lava ang pendant at nagmarka sa kanya ang souvenir na ‘yon from Greece.
Nu’ng magpunta sila ng Santorini ay ‘yun ang unang hinanap nila ni Richard.
Kuwento ni Chard, si KC ang nag-introduce sa kanya sa naturang necklace. Kinuha niya ng isang gano’n si KC at pinilian din siya nito ng isa, na naging souvenir nila from Santorini.
Bukod doon ay may ibinigay pa sila sa isa’t isa na makikitang suot nila sa pelikula.
Isang necklace ang bigay ni KC kay Chard at isang bracelet ang bigay ni Chard kay KC.
Kapwa may meaning daw ang mga Greek symbol na nakalagay roon, tulad ng naka-drawing na babae’t lalakeng stick figure na may araw.
RICHARD: Actually, binigyan namin ng sariling meaning. Ha! Ha! Ha! Ibig sabihin no’n, ‘first time in Greece with special someone.’ And very positive, optimistic and adventurous…
Kagaya ba ng nagbabagang lava o ng pumuputok na bulkan ang nadarama nila ngayon para sa isa’t isa?
RICHARD: Actually, mag-e-erupt pa lang! Papunta pa lang du’n! Ha! Ha! Ha!
Ano bang real score sa kanilang dalawa? Sila na nga ba?
RICHARD: Kami ni Kayce, siguro nandu’n kami sa point na sobrang komportable namin, na nasasabi na namin siguro ‘yung mga secret namin isa’t isa. Siguro, may mga na-share ako kay KC na mga bagay na walang ibang nakakaalam, habang nandu’n kami sa Santorini.
At siya rin, may mga na-share sa akin. So, ‘yung buong 10 days namin sa Greece, it was a time for us na talagang makilala ang isa’t isa nang husto.
Dahil 10 days kami du’n at kaming dalawa lang ang magkakampi, wala nang iba, us against the world, so nu’ng time na ‘yon, talagang nakilala ko nang husto si KC and komportableng komportable na kami sa isa’t isa.
Sa scale of 1 to 10, nasaang level na ba sila?
RICHARD: Ahmmm... siguro dahil sa mga napag-usapan namin sa Greece at talagang nag-open up kami sa isa’t isa, siguro nasa 9.8 na! Ha! Ha! Ha!
(Bumaling siya ng tingin kay KC) Para sa akin lang ‘yon, ha? Ewan ko sa ‘yo kung nasa 9.8 ka na rin. Sana nandun ka na! Ha! Ha! Ha!
KC: Siguro po… 9.8? So, may 0.2 pa kaming aanuhin! Ha! Ha! Ha!
***
May kissing scenes ba sila sa movie?
KC: Meron pa pong isa na hindi pa nakukunan. ‘Yun ‘yung may meaning (na kiss). Kumbaga, nandu’n kami sa Greece, imposible namang walang kissing scene sa Greece. So, dinagdagan ni Direk Joyce. Ha! Ha!Ha!
Pero sobrang ninerbyos po talaga ako. Talagang ‘yun bang parang ‘yung camera, hindi na naging friendly? Sa isip ko, parang nakikialam ‘yung camera, parang tsismoso ‘yung camera. Parang ganu’n ‘yung naisip ko tuloy!
Sobrang ninenerbyos ako, nakailang takes talaga kami. Pero after that, ang ganda kasi ng view, ang ganda ng lugar, nasa tuktok kasi kami ng Santorini no’n, so kitang-kita lahat pati dagat. Pati ‘yung mga kulot namin, bumagay sa view!
RICHARD: ‘Yung mga foreigner, nanonood sa amin…
KC: At pumalakpak…
RICHARD: At pumalakpak nu’ng nagki-kissing scene kami. Paglingon naming gano’n, ang daming taong nanonood!
KC: Lalo akong na-conscious talaga! Parang may times na tinatago ko ‘yung kiss, ‘yung balikat ko, ‘yung gamit ko para itago. Sobra akong ninerbyos. Talagang first time ko po talaga, sa harap ng camera, ‘yun pa.
Sina Direk Joyce, hindi makaharap sa camera. Ayaw nila ng gano’n, kasi direktor siya, kailangan behind the scenes, so talagang… si Chard, ang dami na niyang experience sa gano’n, di ba? Matagal na siyang gumagawa ng pelikula…
RICHARD: Hindi naman, sobra ka naman, nahihiya pa rin naman ako kung minsan…
KC: Nakakahiya, sorry ako nang sorry. Nahiya talaga ako. Pero sabi ko, ‘After nito, anything na ipagawa ninyo, okey na ako!’
RICHARD: Kinabahan din ako, huh!
Ilan ba ang kissing scenes nila?
KC: Ay, panoorin n’yo na lang! Ha! Ha! Ha!
Good kisser ba si Chard dahil sanay na itong makipaghalikan sa harap ng camera?
KC: May respeto po siya sa babae. Na si Direk Joyce mismo ‘yung nag-confirm no’n sa akin. Kasi, para lang alam ko na may respeto si Chard, and ang dami ko ring natutunan bilang actress. Na kailangan huwag mahiya, tandaan mo na lang na meron kang ibang buhay na ginagampanan. ‘Yung gano’n.
So, medyo nakapag-usap kami nang maganda ni direk at may nasabi nga siya na ‘yung ibang mga artista, hindi naman sa walang respeto, pero ginagawa nila kung anong kailangang gawin. Si Chard, parang nagdadalawang-isip pa, gano’n! Dahil sa akin ‘yon! Ha! Ha! Ha!
So, paano ilalarawan ni Chard ang mga labi ni KC sa unang pagkakataong naglapat ang mga lips nila onscreen?
RICHARD: Ahmmm…hmmm…well, ahh…dahil nga kinabahan ako sa kissing scene namin…dinadamayan ko siya nu’n eh! Ha! Ha! Ha! Ahmmm…’yung lips ni KC?
Speechless??
RICHARD: Breathless! Ha! Ha! Ha! Ini-imagine ko pa ‘yung nangyari. Okey, ‘yung lips po ni KC are the softest lips I’ve ever kissed!
Ilang babae bang nakahalikan niya ang inihahambing niya kay KC?
RICHARD: Ha! Ha! Ha! Huwag naman! Basta ‘yun lang. ‘Yun lang ang alam ko. Huwag nang mag-follow-up. ‘Yun na yon! Okey na tayo du’n! Ha! Ha! Ha! Napainom tuloy ako!
***
Nag-two-piece bikini nga ba si KC sa movie?
KC: Sobrang init po kasi sa Greece. Nu’ng una, ‘yung mga kasama namin, naka-shirt pa, but by the end of the trip, naka-sando na, naka-skirt. Feel na feel ‘yung dagat, ‘yung summer doon. Kaya okey lang din na nag-swimsuit, nag-bikini ako. Pero meron ding kaming ibang suot. May isang eksenang kukunan pa lang na naka-two-piece din ako.
Sa billboard pictorial niya ay nag-sexy swimsuit na rin siya, so sanay na siyang mag-two-piece?
KC: Hindi naman po siya nakakailang. Hindi naman big deal. Kasi, bagay naman po sa istorya at sa panahon na summer siya, dagat siya, beach, gano’n. Parang mas nakakailang naman po siguro kung balot na balot ako, di ba?
At saka why not, eh ang sexy naman niya, di ba?
RICHARD: ‘Yun na nga ‘yon!
Si Chard ba ay nag-swimming trunks din?
RICHARD: Hindi na po uso ‘yung trunks! Wholesome ako, guys… walang ganyanan! Ha! Ha! Ha!
No comments:
Post a Comment