GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, August 8, 2008

Abante

Abante
Alfie Lorenzo


The more pinag-uusapan ang nakaraang Bench show, the more nae-enhanced ang popularity ng dalawang male superstars ng GMA-7. At mas nagliliwanag kung anong puwesto na si Piolo Pascual sa ranking. Number 4 na si Piolo sa ranking.


Una si Richard Gutierrez with 6 highly successful teleserye top-ra­ters. Plus movies na tuma­lo sa box-office gross ng Piolo Pascual movie. Piolo’s Dream Boy versus Richard’s Let The Love Begin, which started the Let The Fight Begin.

Second sa ratings si Dingdong Dantes na siyang primetime prince ng GMA-7 dahil sa magkasunod na teleserye top-raters niyang Marimar and Dyesebel.


Pangatlo sa ranking si John Lloyd Cruz na box-office king ng Star Cinema, bagaman kulu­n­toy naman sa ratings ang teleserye niya like that of Piolo.


Number 4 or tie na sila sa ranking ni Dennis Trillo itong si Pio­lo Pascual who is fast fa­ding away sa popu­larity scene komo he’s not getting any younger. His last two films and Lobo, did not meet the mark for one who’s supposed to be the Star Cinema King.


Eh, nandyan na nga si John Lloyd at pina-move over na siya. So, sa final tally natin, talbog talaga ng GMA-7 ang ABS-CBN hindi lang sa pagkakaroon ng toprated shows, sa primetime bida man o sa afternoon delight. ‘Yung afternoon shows ng GMA-7 ay mas mataas pa ang mga ratings kesa mga primetime teleserye ng Dos, noh!


Kaya taranta sila nga­yon. Hindi na nila alam o ma-define kung ano ang image ng station. Drama factory ba ito o action or fantasy factory? Pilit making-gaya kasi sila sa GMA-7 who lor­ded it over sa ratings game nu’ng ma-swak nila ang image ng network with their perfect fantasy serye.

Gaya-gaya naman ang ABS-CBN, gumastos ng todo pati na sa location shoot pero ‘di pa rin sila umagapay man lang sa ratings ng mga GMA-7 fantaserye na sa studio lang kinunan! Heto nga at mistulang naloka na ang programmers ng ABS-CBN at tila nabuwang na at pinagsama-sama na nilang lahat sa Dyosa ni Anne Curtis ang lahat ng genre ng GMA-7 fantaserye.

No comments: