GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, August 10, 2008

Richard, padadapain ng Star Cinema?

Richard, padadapain ng Star Cinema?




Nag-usap kami ng masinsinan ni Anna­belle Rama. Sinabi namin sa kanya ang aming fears na nangyari na kay Juday.


Sabi ko sa kanya, kumita man ng todo ang For The First Time na first time na pagtatambalan nina KC Concepcion at anak niyang si Richard, ewan ko kung papayagan nilang mapublisa ang tala­gang genuine kita nito sa takilya, considering hiniram lang sa GMA-7 si Richard, tapos papayagan ito to lord it over sa box-office and thereby make a basura of Piolo Pascual and John Lloyd Cruz?


Ibinigay kong halimbawa kay Annabelle ang MMFFP results ng dala­wang magkasunod na movies nina Juday at Ryan na KKK at SSS na pa­wang topgrossers sa MMFFP besting Vic Sotto’s Enteng Kabisote, no once, but twice and yet, mahina pa pala sa Star Cinema ang dalawang topgrossing films na walong pelikula ang pinataob nila sa ta­kilya, pero movie pa nina John Lloyd at Bea Alonzo ang ginawang top­grosser ng Star Cinema, at sila ang ginawang box-office king and queen?


Kasi hindi artista ng magic kingdom si Juday pero contract star naman ng ABS-CBN. They clipped Juday’s wings at ayaw nilang umalagwa ito nang husto over their own stars.


Eh, kay Richard Gutierrez pa ba hindi gawin ‘yan eh hiniram lang ng Star Cinema as ex-deal for one movie?


Ngayon pa nga lang ay nakikita na namin ang scenario para hindi matalbugan ng KC-Richard mo­vie ang showing pang Sa­rah Geronimo-John Lloyd. Iba-iba ang praise relea­ses ng Star Cinema.


Opening day daw ng Sarah-Lloydie movie eh P9 million na ginawang P14 million.


Nu’ng Sunday daw ay naka-20 million pesos ang gross ng Star Cinema movie. Suwerte talaga ang ulan at baha sa Star Cinema, huh!


As of Monday, August 4, 2008 ay naka-hold your breaths, humawak ng isang botelya ng C-2 para ‘di kayo himatayin! -- 78 million pesos na raw sa takilya ang A Very Special Love.


Wow, espesyal talaga, ha! One more chance? Huwag magtaka kung sa one week showing nito ay i-claim nilang more than 100 million pesos ito sa takilya, ha!


So, saan pa kukuha ng pera ang mga manonood for the KC-Richard movie? Eh naubos na sa bigas, tinapay at movie nina Sarah at John Lloyd? Akala ko pa naman mahirap ang Pinoy!


Naku, my worst fear eh baka ang ending niyan ay mas malakas pa pala sa takilya ang Dream Boy ni Piolo Pascual, ha!


Nakaganti na kung gayon ang mangyayari? At napa­dapa mismo ng Star Cinema ang teleserye king ng GMA-7?


Bihira kami magsuspetsa pero when we do, madalas kesa hindi na nagkakatotoo ‘yan. Debah, I wasn’t born yesterday but centuries ago? Ha! Ha! Ha! Ha!

No comments: