GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, August 23, 2008

Richard Gutierrez-KC Concepcion partnership in "For The First Time" started as a 'wild idea'

Julie Bonifacio

Saturday, August 23, 2008
02:33 PM



Kumpirmado na ang pagdating ng Megastar na si Sharon Cuneta sa premiere night ng first movie ng kanyang eldest daughter na si KC Concepcion with Richard Gutierrez under Star Cinema, ang For The First Time. Nauna rito ay nagpahayag na ang ama naman ni KC na si Gabby Concepcion na darating siya sa premiere night ng pelikula ng kanyang dalagang anak.



Sa ngayon, inaayos na ng Star Cinema Productions ang sitting arrangement ng sandamakmak na listahan ng mga celebrities na darating sa premiere night ng For The First Time. Maging si Richard ay inimbita rin ang mga kasamahan niya sa GMA-7, tulad ng aktor na si Richard Gomez at ang misis nito na si Lucy Torres and their daughter Julianna, pati na ang ilang executives ng Kapuso network ay nagkumpirmang darating sa premire night ng movie ni Richard with KC.



Dahil dito, dalawang sinehan ang kinuha ng Star Cinema para sa sabay na screening sa premiere night ng For The First Time. At para masolusyunan ang tensiyon sa pagitan nina Sharon at Gabby, isa raw sa possible way para hindi sila magkita ay ilagay sila sa magkabilang sinehan.



Uunahing puntahan ni KC ang kanyang Papa Gabby bago magsimula ang screening at saka siya lilipat sa kabilang sinehan para panoorin ang first movie niya with her Mega mom.



But more than the controversy na naghihintay sa premiere night, marami rin ang nag-aabang sa first movie nina KC at Richard.



Narito ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Richard at KC at sa direktor ng For The First Time na si Joyce Bernal.



RICHARD: Well, very special ang pelikulang ‘to sa akin. Ito ang unang pelikula ko sa Star Cinema. At ito rin ang unang pelikula ni KC at ako ang kasama niya. So, I'm very thankful na ako yung kasama niya. At the same time, it's an honor for me na makapreha ni KC sa kauna-unahang pelikula niya. At para sa akin, special ‘tong movie na ‘to. Isa siyang pangarap noon na... Isa lang siyang vision sa akin na what if makapagtrabaho ako sa Star Cinema? What if makapagtrabaho ako with an ABS-CBN leading lady? Isa lang siyang malaking question mark sa akin noon. Nung unang dumating ‘tong pelikulang ito, for me, achievement na agad siya.



KC: Lagi ko ngang sinasabi nagpakatotoo lang ako kasi doon naman ako nanggaling din. Meron akong yung singsing, yung wedding ring ng Mama at Papa ko, na reminder sa akin na ginagawa kong pendant sa kuwintas, na dito ako nanggaling—sa pelikula ako ginawa. Ha-ha-ha! So, parang birthright ko, may nagsabi sa akin na birthright ko na nandito ako and sana starting with this movie, sana ito na yung start ng mahabang paglalakbay sa pelikula.



Isang wild idea raw ang pagsasama nila nina KC at Richard sa movie.



KC: Yun nga yung sinasabi nila, wild idea, na hindi talaga namin iniisip na mangyari, o puwedeng mangyari. Kumbaga, talagang ano lang siya, napag-usapan lang namin na what if ganito, kung sakaling puwede, di ba? Parang ang saya nun. Nang pumayag ang GMA na gumawa siya ng pelikula sa Star at pumayag yung Star, ang ganda ng feeling. Talagang parang peacemaker kami. Parang in our own little way, parang meron kaming nagawa para mapasaya ang mga tao.



DIREK JOYCE: For the first time, siguro first time na mag-team up sila, first time ko to work with them, ‘tapos madaming first time, e. 'Tapos yung pelikula talaga, hindi naman masyadong nalalayo sa kanilang dalawa. Nung prinesent yung kuwento sa kanila, akala nina Richard at KC, ‘Ano ba ‘yan, may nagkuwento ba sa inyo?' Sabi ko, wala namang nagkuwento. Kasi even sa akin nung prinesent, hindi ko naman alam na ganun. ‘Tapos nung nakilala ko sila, parang tumutugma yung kuwento sa kanilang dalawa.



Ipinagmamalaki rin nila ang magandang kuwento ng pelikula.



RICHARD: It's a love story. It's a love story na umiikot sa isang babaeng namumuhay ng isang perfect life at gusto niya lahat perfect, ganung tipo siyang babae. At ngayon, mai-in love siya sa isang lalaki na total opposite niya. Isang lalaki na walang pakialam kung ano ang mangyari sa mundo, basta kailangan masaya lang. Yung kabuuan ng istorya at may anggulo rin yung istroya na forbidden love. Alam mo yun, ang daming ayaw na magkatuluyan yung dalawang tao, pero ‘pag mahal ninyo ang isa't isa, kahit sino pang taong pipigil sa inyo, walang makakapaigil sa inyo na sino pa basta't mahal ninyo ang isa't isa. Yun ang main concept ng story.



Nagkwento rin sina KC at Richard sa engkuwentro nila during their first shooting day.



RICHARD: Sa ano, sa The Fort, alam mo yung first few shooting days namin, nakakatawa kasi ang daming eksena sa pelikula na masaya, romantic, light. Pero yung first two days namin...



KC: Romantic comedy na si Binibing Joyce Bernal pa man din ang direktor.



RICHARD: Tama pero yung first few shooting days namin, magkagalit yung character namin. Talagang galit na galit siya sa akin at ako naman, I'm trying to win her back, ganun. Challenging kaagad, first few shooting days namin. Talagang challenge kaagad. Buti na lang nandun si Direk Joyce, gina-guide niya kami at okey naman. It went well.



DIREK JOYCE: Magaling sila, gumaling sila umarte. Naramdaman ko yung pain. Very comfortable rin sila sa isa't isa.



Bongga rin daw ang naging working experience nila sa Greece.



KC: Ang haba ng biyahe.



RICHARD: Oo, 23 hours ano to get there. Pagdating namin doon, para kaming nananaginip. Ibang-ibang klaseng lugar, talagang napakaganda at hindi mo maiisip na may ganun palang lugar. Super ganda. Different culture talaga.



KC: Para siyang secret, alam mo ‘yon na kung hindi dahil sa pelikula, siguro di ako makakarating doon. Which is maganda kasi makikita ng lahat ng tao, lahat ng Pilipino first time na may na-shoot yung mga Pilipino sa Greece. So, virgin location talaga siya. Hindi pa siya nagagalaw, in other words. Ang ganda niyang tingnan, para siyang baby powder. Yung talagang, di ba, yung mga kulay parang fresh na fresh ang hitsura niya—puti, blue na blue yung dagat, ang lamig sa mata.



RICHARD: So, kahit 23 hours flight namin pagdating namin doon, na-relax kami kaagad na wow, ang ganda!



KC: Actually, relaxing siya talaga. Kahit nagtatrabaho kami the whole time, parang relaxed ka lang talaga. Ang tahimik ng tao, ang bait pa.



RICHARD: Doon kasi nakatira yung character ko at turista ngayon si Pia [pangalan ni KC sa movie] doon.



DIREK JOYCE: Namangha ako, si KC ang galing niya mag-English talaga. ‘Tsaka yung pronunciation niya, yung totoo. Di gaya ng ibang artista, nag-i-Ingles-Inglesan lang di ba? Si KC, ‘You left me hanging there,' totoo! Taga-Europe! Pagdating namin sa Greece, blumend siya sa mga tao. ‘Di mo siya titingnan na, ‘Ay, parang turista. Sino ‘to? Domestic helper?' Hindi, talagang blumend siya. Ang daming guwapo dun sa Europe, sa Greece ang daming guwapo. Pero naman, headturner din si Richard, mapapalingon ka rin sa kanya. Nakilig ako kay Richard. Ang gusto ko sa kanilang dalawa, napaka-open nila. ‘Tapos akala ko si Richard, akala ko mayabang si Richard, hindi naman pala. Masayahing tao, tawa nang tawa ‘tapos may ano siya, meron siyang passion. Professional siya, tanong nang tanong.



Bukod sa showing ng For The First Time on August 27, inaabangan na rin ng mga kababayan natin sa iba't ibang bansa through TFC ng ABS-CBN ang international screenings ng movie nina KC at Richard.



Mauunang ipalalabas ang pelikula sa Guam sa Micronesia Mall on August 29 to Septemebr 5; Los Angeles sa Alex Theater on September 6 (Saturday); September 7 (Sunday) sa San Francisc sa Fox Theater; Sept.28 (Sunday) sa Vienna, Austria sa Cineplexx, Donauplex; September 10-25 sa Seattle sa Regal Cinema sa East Valley at sa Las Vegas sa Regal Village Square Stadium; September 26 to October 2 naman sa Pasadena sa Laemmle One Colorado; October 3 to 9 sa Hawaii sa Regal Dole Cannery Stadium 1; Otcober 3 sa Chicago sa Pickwick Theater 1. To follow naman ang venue sa Dubai, Sharjah, Abu Dhabi, Qatar, at Bahrain sa September.


No comments: