GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 11, 2008

Abante-Tonite


Jun Lalin


Sinamahan ko si Richard Gutierrez sa music video shoot kahapon ng For The First Time movie nila ni KC Concepcion.
Nagsisimula na ang promo ng Star Cinema para sa pelikulang ito na sa Agosto 27 ang sho­wing.


Sa Lunes ang alis ng grupo ng Star Cinema para sa shooting nila sa Santorini, Greece.
Bago ang shooting sa Santorini, mamamas­yal muna sa Athens sina Richard at KC.
Sa kuwentuhan namin ni KC kahapon, nabanggit niya na noong nag-aaral pa siya sa Pa­ris, France ay may mga kaibigan siya na pilit na nag­yayaya sa kanya sa Greece, pero tumanggi siya.
Ngayon ay matutupad na ang pagpunta niya sa lugar na ‘yon.


***

Bago umalis papuntang Greece, magiging abala muna si Ri­chard sa promo ng Codename: Asero nila ni Heart Evangelista.

The whole day sa Linggo ang promotions nila.

May SOP Rules muna sila at tutuloy sa Showbiz Central. May mall show pa sila sa SM Fairview.

No comments: