GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 13, 2008

Heart, hot na hot ang dating kay Richard!


Jun Nardo

Hindi mabilang ni Richard Gutierrez ang sangkatu*tak na halikan nila ni Heart Evangelista sa Codename: Asero.
At kasunod na tanong kay Richard, ano raw ang lasa ng mga labi ni Heart?
“Lasang mint. Minty! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Richard.
Enjoy na enjoy nga si Richard na paiba-iba ang nahahalikan niya sa bawat teleseryeng ginagawa niya.


“Masaya ako kasi si Heart ang ka-partner ko. Suwerte ako! Ha! Ha! Ha!”
Sinabi ni Heart na isang lalake pa lang ang nakakahalikan niya.
“Talaga? Mara*ming takes at paulit-ulit ang kissing scene. Hindi kasi perfect. Minsan, may technical problems. So, inu*ulit namin.
“So nu’ng binigyan kami ng kissing scene ni direk Mark (Reyes)… He saved it, eh. Hindi niya agad kinunan ang scene kahit na ang mapapanood sa first week ay ‘yung kissing scene.


“They made sure na nag-bonding na kami ni Heart. Na close na kami ni Heart, bago kunan ang kissing scene. Para wala na raw ilangan.
“Kapag nakita mo on screen, maganda ang chemistry namin. Nu’ng nagkaroon kami ng pagkakataong mag-bonding ni Heart, talagang nakilala namin ang isa’t isa. Magkaibigan na kami nu’ng ginawa namin ang kissing scene,” kuwento ni Chard.
Baka naman sinadya niyang maliin ang kissing scene, para paulit-ulit nilang gawin?
“Well… Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hindi naman,” tugon niya.


Ano ang masasabi niya sa kaseksihan ni Heart ngayon? Ibang-iba na nga ang itsura nito, na labas na labas na ang alindog.
“Iba ang dating ni Heart ngayon. I think she’s focused now. Maganda ang katawan niya. Ang galing niyang umarte. I am happy for her.
“She’s challenging and pushing herself kung hanggang saan niya kaya. And she’s really giving her best and we’re all very happy and proud for her,” sabi ni Richard.
Hot ba ang dating ni Heart para sa kanya?
“Hot! She’s hot!


“Si Heart kasi, sa una, parang mahirap lapitan. Intimidating siya. Once makilala mo siya, makausap mo siya, malalaman mo kung gaano siya katotoong tao at kung gaano siya ka-sweet.


“Not a lot of people know this also, but si Heart, napaka-sweet niyang babae, not only to me, but to a lot of people,” papuri pa ni Richard kay Heart.
Kung hindi ba siya attached (kay KC Concepcion) ngayon, puwede ba silang magkatuluyan ni Heart?


“Hindi ako attached now! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Well, of course, ayokong pangunahan ang mga bagay, but I don’t wanna close my doors also on what’s gonna happen, kasi hindi naman mahirap ma-in love kay Heart!
“She’s beautiful. She’s smart. She’s a great actress. Lahat ng qualities sa isang babae, hahanapin mo sa kanya.


“Magaling pang mag*luto at maalaga!” patuloy na papuri ni Richard kay Heart.
May luto factor na agad sa kanila?
“Hindi lang naman ako. Sa production din! Ha! Ha! Ha!”
Naku, baka galing lang sa restoran nina Heart ‘yung ipinatikim sa kanya?
“Ha! Ha! Ha! Ha!”
Teka, masarap bang magluto si Heart?


“Sabi niya, papatikim pa niya sa akin ang specialty niya. So, hangga’t hindi ko pa natitikman ‘yon… Ha! Ha! Ha!” pabiting sagot ni Richard.
Ano ba ang specialty ni Heart?


“Spanish dish!” sure na sagot ni Chard.
Type ba niya na ipinag*luluto siya ng babae?
“Oo naman. siyempre. Isa sa mga qualities ‘yan sa girl na dapat.”
Sa anong pagkain ba niya maihahambing si Heart?
“Aba! Magandang tanong ‘yan, ha!
“Sa ulam? Ahhh…”
Sa laing ba? Sa papaitan? Sa kare-kare? Sa binagoongan?
“Teka, ginugulo ninyo ako, eh! Ha! Ha! Ha!
“Siguro, strawberries!”
Sa ulam?
“Kailangan ba ulam? Huwag kare-kare. Paella na lang…”
Baka naman sa tahong?
“Ang gulu-gulo niyong kausap. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Hindi ba nahihirapan si Richard sa sitwasyon niya ngayon, na may dalawang babae sa buhay niya?
“Well, mahirap talaga ang kalagayan ko ngayon. Ha! Ha! Ha!
“Pero masaya ako kasi maraming blessings na dumarating.
“Mara*ming good experiences. Thankful ako,” sabi na lang ni Richard.


No comments: