Wednesday, July 16, 2008
09:47 AM
"Yung personality kasi ni Heart, nagugustuhan ng marami," sabi pa ni Richard. "Magaan siyang katrabaho. Laging masaya. Kaya madali rin kaming nagka-rapport."
LOVE LIFE ON A STANDSTILL. Pero kahit ganito ang set-up, iba ang hantad sa publiko tungkol sa real score ng love life ni Richard. Bago pa sila lumipad ni KC Concepcion patungong Greece kaugnay ng shooting ng pelikulang ginagawa nila para sa Star Cinema, nasa standstill pa rin daw ang relasyon nila.
Kahit iba na ang nakikita ng marami sa mga kumakalat na stolen shots sa kanila during unguarded moments habang magkasama sila?
"May pressure ba?" natatawang sabi ni Richard. "I'm taking everything slowly but surely. I am taking it one step at a time. Kasi, I don't think KC is the kind of girl who likes taking things in a hurry.
"Nakikita niyang mas gusto niya ang ganito muna. Enjoy kaming magkasama na nagtatawanan lang kami. At saka, palagay ko, hindi pa panahon para ma-in love ako. Loveless naman ako ngayon, pero naiisip ko, marami akong ginagawa. May time pa ba ako para riyan. So, okey lang kami ni KC na ganito muna.
"I still have Asero, one movie after another. Sobra! Ganoon din si KC. Hindi normal ang takbo ng buhay namin na magkakaroon kami ng more than enough time for love dahil pareho kaming busy, kahit mas nagkikita kami ngayon most of the time. E, hindi naman palaging ganoon.
"Paano kung hindi na kami magkasama? Magkikita pa kaya kami? Mahirap," napapailing na sabi ni Richard.
Baka nga sa Greece ay ma-develop na ang dapat ma-develop sa kanila ni KC? Nagkibit-balikat lang si Richard.
Hindi kaya nagseselos si KC sa magandang tinginan din nila ni Heart bilang magkaibigan?
"I don't think so. Hindi naman selosa type si KC. At saka nasa showbiz din siya. May iba ring nali-link sa kanya, di ba? But for as long as okay kami, walang problema yung mga ganyang chika."
WELL-CONDITIONED RICHARD. At saka ayaw rin naman niyang kakabakaba si KC sa ginagawa niyang mga death-defying stunts sa Codename: Asero.
"Pero, sa ganitong parte, talagang lagi kaming safety first sa taping," banggit pa ni Richard. "Scratches, bruises, minor injuries. Nae-experience ko 'yan sa mga routine ko sa teleserye namin, but it's all worth it naman, e.
"Basta pagdating sa ganyan, lagi kaming maingat. Nire-rehearse naming mabuti. Hindi naman kailangan ni KC na kabahan sa mga ganyan dahil hindi ako pababayaan ng mga katrabaho ko, at ako mismo, kailangang nag-iingat din.
"Maganda rin yung may basic training ako sa martial arts, 13 to 15 years old ako, nag-aaral na ako ng karatedo kaya sanay ang katawan ko sa ganyan.
"Kailangang lagi akong nasa condition, kaya nga kahit sa set, nagwu-work out na ako. May dala akong weights at dumbells. I also eat the right kind of food para tumagal ako sa grabeng taping," lahad ni Richard.
No comments:
Post a Comment