GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 11, 2008

Annabelle Rama talks about Ruffa's European vacation and Richard's two leading ladies

Nora Calderon

Friday, July 11, 2008
03:08 PM



Napuno ng tawanan ang thanksgiving party na ibinigay ng Regal Entertainment at GMA Films para sa success ng My Monster Mom na ginanap kagabi, July 10, sa Imperial Palace Suites.



Bukod kay Annabelle Rama na siyang bida ng pelikula alongside daughter Ruffa Gutierrez, present din ang ibang cast ng movie na sina JC de Vera, Rhian Ramos, at Mart Escudero; pati na ang direktor ng pelikula na si Joey Reyes. Naroon din sina Mother Lily Monteverde and daughter Roselle Monteverde-Teo of Regal, at sina Atty. Anette Gozon-Abrogar, Joey Abacan, at Noel Ferrer ng GMA Films.



RUFFA IN EUROPE. Bago ang presscon proper ay nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle. Kinumusta namin sa kanya ang anak na si Ruffa, na kasalukuyang nagbabakasyon somewhere in Europe.



"Okey naman siya at tuwing matatapos kaming mag-uusap, sinasabi ko sa kanyang after one minute, tawagan niya ako ulit. Gusto ko lang namang malaman kung nasaan siya at kung safe siya kaya ko ginagawa ‘yon," kuwento ni Annabelle.



Sino ba ang kasama ni Ruffa na nagbabakasyon? Takot ba si Annabelle na baka ang dating asawa nitong si Yilmaz Bektas ang kasama ng anak?



"No," kampanteng sagot ng showbiz mom. "I'm sure, alam kong hindi si Yilmaz ang kasama niya. Pinabayaan ko siyang magbakasyon dahil nagsunud-sunod naman ang trabaho niya, taping, shooting ng movie, TV commercial shoot. At pagbalik nga niya, trabaho na siya ulit dahil may gagawin siya sa ABS-CBN [Betty La Fea].



"Pinabayaan ko siyang magbakasyong mag-isa dahil nakita kong nag-move on na ang anak ko at masaya siya. Ang hindi maka-move on, ‘yong isa [Yilmaz]. Noong isang araw nag-away na naman kami sa text. Text niya, ‘devil woman' daw ako, text back ko sa kanya, ‘Thank you for the title, I like it.'



May nagsabi kay Annabelle na sana raw ay sinagot niya si Ruffa ng "The devil wears Prada." Sige raw, sa susunod na mag-text ulit ng ganoon si Ruffa, iyon daw ang isasagot niya.



KC OR HEART FOR RICHARD. Natawa naman si Annabelle nang tanungin ng PEP kung sino ang gusto niya kina KC Concepcion at Heart Evangelista para sa anak na si Richard Gutierrez. Si KC ang ka-partner ni Richard sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema at si Heart naman ang kapareha ng young actor sa Codename: Asero ng GMA Films.



"Okey naman sa akin kahit sino kina KC at Heart kasi pareho silang maganda, parehong talented, parehong mabait. Kapag tinanong ko naman si Richard, ang sagot niya sa akin, ‘Sana dalawa ang puso ko,'" natatawang kuwento ni Annabelle.



Sa presscon proper ay tuluy-tuloy na ang pagkukuwento ni Annabelle. Pinasalamatan din ni Annabelle ang mga naninira diumano sa kanya at sinasabing "flop" ang My Monster Mom.



"Maraming-maraming salamat, hindi lang sa mga sumuporta sa akin at sa buong vast ng My Monster Mom kundi sa mga detractors ko. Dahil sa mga paninira ninyo sa akin, lalo dumami ang mga nanood ng comeback movie ko," pahayag ni Annabelle.


No comments: