GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 25, 2008

Richard, handa sa BLACKOUT

(JDO)

DUMATING si Richard Gutierrez sa bansa noong Miyerkules mula sa pagsu-shooting ng pelikulang For The First Time kasama si KC Concepcion sa Santorini, Greece.
Excited ang fans ni Richard na mapanood ito sa pagrampa sa BLACKOUT fashion show ng Bench ngayong gabi sa Araneta Coliseum.
Ano kaya ang isusuot ni Richard? Mag-swimwear kaya siya? O topless lang?
Pinaghandaan ni Ri*chard ang Bench event na ito. Nagdiyeta at nag-ehersisyo siya.
Tiyak na titilian siya mamaya sa BLACKOUT!
Isa pang ikinatuwa ni Richard sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay ang magandang ratings ng TV series niyang Codename: Asero.
Masaya si Richard sa nabalitaan na pati si Kris Aquino ay nanonood ng kanyang programa at pinupuri ang palabas.
Thankful si Richard sa magagandang feedback sa Codename: Asero.

No comments: