GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, July 8, 2008

ASERO PRESSCON

Journal
Nitz Miralles


Na-move for tomorrow ang big presscon ng Codename: Asero dahil inaayos nang maigi ang mga kakailanganin sa presscon, gaya ng press kit.

Sa labas ng GMA Network ang venue ng presscon dahil sa laki ng cast at ibabagay sa tema ng action-adventure series.

Isa na ang series sa biggest projects ni Richard Gutierrez sa mga kasama pa lang at dito siya may pinakamaraming kapareha.

May Heart Evangelista na, Ehra Madrigal, Rhian Ramos, Chynna Ortaleza at Maxene Magalona pa. Join din sina Richard Gomez, Carmina Villarroel, Michael V, Janno Gibbs, Paolo Contis, Rainier Castillo, Bubbles Paraiso, Joanne Quintas, Elvis at Rocky Gutierrez, Chariz Solomon at Caridad Sanchez.

Dalawang naglalakihang billboards ng Codename: Asero sa may Channel 7 ang nakikita at balitang 20 more billboards ang itataas at hanggang probinsya maglalagay nito.

Malalaman natin kay Richard kung totoong sa halip na July 14, July 15 na siya aalis for Greece para narito siya sa pilot ng bago niyang serye

No comments: