GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 13, 2008

Kissing scene with Richard makes Heart forget her lines

07/12/2008 07:11 AM
Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us

MANILA, Philippines - Dahil sa kaba sa una n’yang kissing scene with Richard Gutierrez, nakalimutan daw ni Heart Evangelista ang kanyang linya kaya kinailangan itong kunan ng dalawang ulit.

“Nawala ako sa linya ko…kasi ang tagal ko ng… alam mo yun? Hindi naman ako sanay na sa mga kissing na ganyan… ayun nawala ako sa mga linya ko. Pero okey lang, nag-take two naman," kwento ni Heart sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Ang kissing scene ay bahagi ng eksena sa inaabangan bagong action-series ng Kapuso Network na “Code Name: Asero."

Aminado sina Richard at Heart na hindi nila naiwasan na magkahiyaan sa una nilang pagtatambal at kunan ang nasabing eksena.

“Ganoon talaga medyo syempre may romantic side yun istorya and syempre with romance comes the kiss," ayo pa kay Richard.

“Syempre sa simula medyo nagkakailangan pero hindi rin… kasi kami ni Heart nang kunan namin ang kissing scene we’re very close already, were friends already and kumpartable na kami sa isa’t-isa," idinagdag ng binata.

Nakatakdang tumulak si Richard sa ibang bansa kaya naman kailangang iwanan nya sandali ang taping nina Heart sa “Asero." Ma-miss kaya nila ang isa’t isa?

“Oo naman," mabilis na sagot ni Heart. “Nung isang araw nga ang tagal naming hindi nagkita, (nang magkita kami sabi ko) Uy alam mo na-miss kita."

Sagot naman ni Richard: “Lagi ko syang nami-miss kasi recently yun mga eksena namin may sarili s’yang eksena, may sarili akong eksena ‘pag nagkikita kami sinasabi namin ‘uy, I miss you."

Simula sa Lunes ng gabi mapapanood na telebabad ng GMA Network ang “Asero." - Fidel Jimenez, GMANews.TV

No comments: