GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 18, 2008

Richard, nahihirapang pumili kina KC at Heart!

Abante
Jun Nardo




TUNAY na gentleman ang dating ni Richard Gutierrez kapag sina KC Concepcion at Heart Evangelista ang pinag-uusapan.


Si Heart ay leading lady ni Richard sa Codename: Asero, at kapareha naman niya si KC Concepcion sa movie nila sa Star Cinema.


Siyempre si Annabelle Rama ang closest person to know kung sino kina KC at Heart ang nagugustuhan ng anak.


Ano nga ba ang masasabi ni Annabelle sa mga ugali at pagkatao nina Heart at KC?


“Si KC, maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Sharon (Cuneta). Magalang na bata. Mabait. Intelihente at malam­bing. Wala akong masabi sa kanya.


“Si Heart, the same thing.


“Sabi ko nga kay Richard, bibigyan ko siya ng plaka ng kantang Sana Dalawa Ang Puso Ko. Tawa siya nang tawa, kasi nakikita ko na parang nahihirapan din si Richard, eh.


“Kasi, parehong di­sente ang dalawa. Parehong maganda ang dalawa.

Parehong may breeding.


“Kaya sabi ko kay Chard, ‘yun na lang ang regalo ko sa kanya ‘pag birthday niya! ‘Yung kanta na Sana Dalawa Ang Puso Ko. Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi ni Annabelle.


Sino ba kina Heart at KC ang una niyang nakilala?


“Si Heart! Noon ko pa siya kilala. Nasa ABS-CBN pa lang siya, gusto ko na siyang makasama ni Richard.


“Sabi ko noon, gusto kong gumawa si Heart sa GMA o kaya, gusto kong gumawa si Chard sa ABS para mag-partner sila. Heto, natuloy na nga!


“Eh, pumasok naman si KC. Eh, gustung-gusto ko rin si KC na ma­ging partner ni Richard sa pe­likula. Pareho silang okey sa akin.”


Ano sa tingin niya ang meron si KC na wala si Heart, and vice versa?


“Hindi ko pa napansin, kasi hindi naman kami masyadong magkasama.

Dapat tanu­ngin mo kay Richard ‘yan!


“Hindi naman ako kinukuwentuhan ni Richard. Si Richard ang lala­king discreet. Maski tanungin mo, walang comment.


“Basta kung sino ang gusto ni Richard, doon ako!” sabi ni Annabelle.


Ano ang puwede niyang sabihin kina KC at Heart, kung sakaling isa nga sa kanila ang makatuluyan ni Richard?


“Sobra ka naman! Ano ka ba? Wala pa tayo sa ganyan. Ha! Ha! Ha! Ha!


“Alam mo, hindi ko alam ang sasabihin ko kasi wala pa naman. Kapag nandyan na, okey na!”


Ano ang hindi niya malilimutan kay KC?


“Ang ganda-ganda niya at ang lambing-lambing niya!


Magkaiba sila. Pero maganda talaga si KC. Iba ang byuti niya!”


Teka, parang mas boto ka kay KC?


“Gagah! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” tumata­wang sagot lang ni Annabelle.

No comments: