GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, July 5, 2008

Richard, pumuporma ulit kay Angel?



HINDI na nagulat si Richard Gutierrez na muli siyang itsinitsismis kay Angel Locsin. Sabi nga sa tsismis, nililigawan daw uli ni Richard si Angel ngayon?


Anyway, nagsimula ang tsismis nang magkita sina Richard at Angel sa birthday party kamakailan ng ate niyang si Ruffa Gutierrez. Mahigpit kasi na nagyakap ang dalawa, at parang miss na miss nila ang isa’t isa.


Siyempre, binigyan ng malisya ang mahigpit na yakapan na ‘yon nina
Angel at Richard. Sabi nga, wala raw malisya ‘yon, dahil matagal na niyang kaibigan si Angel.


Ayaw ni Richard na magkaroon ng isyu sa kanila ni KC Concepcion, kaya agad niyang itinanggi ang tsismis sa kanila ni Angel.


Sa kuwento ni Richard, totoo na mahigpit ang na*ging yakapan nila ni Angel, pero ‘yun na nga, wala raw malisya ‘yon.


Aminado si Richard, na-miss niya si Angel, at na-miss din siya ni Angel, kaya ganu’n na lang kahigpit o ka-intimate ang naging yakapan nila nu’ng magkita sila.


Sabi pa ni Richard, hindi lang niya naging ka-love team si Angel sa GMA 7 noon, kundi naging isang matalik na kaibigan din.


Hindi rin daw naputol ang communication nila ni Angel kahit na nung lumipat na ito sa ABS-CBN. Ang problema lang, hindi raw sila masyadong nagkikitang dalawa. Nu’ng huli raw silang magkita ni Angel ay nu’ng mag-shooting sila ng isang shampoo commercial sa ibang bansa.


Kaya, hindi na raw dapat pagtakhan pa kung ganoon sila kung magyakapan ni Angel.


Anyway, sa ngayon ay si KC nga ang pinakamalapit na babae sa buhay ni Richard. At sa tingin ni Richard, hindi maaapektuhan ang closeness nila ni KC, kahit natsitsismis siya ulit kay Angel.

Anyway, kung ang mommy ni Richard na si Annabelle Rama ay tutol na tutol na magkaroon ng bagong mamahalin ang ate niyang si Ruffa, tila pabor naman si Richard na magkaroon na ng bagong iibigin si Ruffa.


Sabi nga ni Richard, intresado siyang makilala ang basketbolistang si Reda Rhalimi, na nali-link ngayon kay Ruffa.


“Well, okey lang if she wanna fall in love again. For as long na magiging happy siya, I will also be happy for her,” nakangi*ting say ni Richard.


Malapit na nga palang ipalabas ang bagong teleserye ni Richard sa GMA 7, ang Codename: Asero, na kung saan ay si Heart Evangelista naman ang kapareha niya.

No comments: