GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 13, 2008

Richard at Chynna, walang paghanga sa isa’t isa

By: Nitz Miralles
Basta

NEW look si Chynna Ortaleza na bumagay sa role niyang si Fran, ang fashionistang ex-girlfriend ni Grecko Abesamis (Richard Gutierrez), sa Codename: Asero ng GMA-7.

Nang malamang kasama siya sa cast ng series, nagpagupit siya ng buhok para magkaroon ng refreshing look at ma-establish ang pagkakaiba nila ni Heart Evangelista.

Chynna doesn’t mind the bad girl image na ipo-portray niya sa series at ipinagmalaki pang siya ang bagong kontrabida.

Dressed to impress siya lagi rito at enjoy siya, dahil love niya ang mag-ayos at gayahin ang fashion icon na sina Madonna, Sarah Jessica Parker at Agyness Deyn, British top model, na ang hairstyle ay ginaya niya.

Naunang pinagtambal sina Chynna at Richard at inusisa ang actress kung hindi ba sila nagkagustuhan ng actor?

“Guwapo at mabait si Richard, pero mas okey kaming friends lang. May chemistry kami, but we never like each other in a romantic way.

“Wala kaming feeling sa isa’t isa, talagang friendship lang, hindi ko alam kung bakit wala kaming admiration sa isa’t isa,” sabi nito.

No comments: