GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Saturday, July 12, 2008

Joanne Quintas agrees to play mother of Richard Gutierrez in "Codename: Asero"

Ruel Mendoza

Saturday, July 12, 2008
12:30 PM


Hindi na nagdalawang-isip ang dating beauty queen si Joanne Quintas na gumanap bilang ina ni Richard Gutierrez sa magbubukas na primetime series ng GMA-7, ang Codename: Asero. Kung tutuusin ay masyado pang bata si Joanne para maging ina ni Richard, pero dahil sa maganda ang role na ibinigay sa kanya, hindi na tumanggi ang beauty queen turned actress.



"Naku, sino ba naman ang aayaw sa trabaho ngayon, di ba?" rason niya. "Ang mahal ng gasolina at tatlo na ang anak ko! Kaya kahit ano pa ‘yan, sige, tanggap lang nang tanggap! Magiging choosy pa ba ako, e, hindi naman ako bida?



"Ang importante ay hindi ako nakakalimutan ng GMA-7 na bigyan ng trabaho. Imagine, anak ko na si Richard, ang asawa ko pa dito ay si Richard Gomez naman! Parehong guwapo at hot mama naman ako!" malakas na tawa ng former Bb. Pilipinas-Universe.



In fairness kay Joanne, kahit na tatlo na ang anak niya ay hindi pa siya nagmumukhang losyang. Alaga sa katawan si Joanne dahil gusto niyang hindi magsawa sa kanya ang kanyang mister na si Domini Primero.



"Maloloka ako kapag tumingin pa siya sa ibang babae, ‘no! Heto nga't kahit hindi na ako kumain ng kanin ng isang linggo, tinitiis ko para lang maging sexy!" tawa niya.



"Tabain kasi ako kaya iwas ako sa mga carbohydrates," patuloy ni Joanne. "'Tapos panay ang exercise ko para maliksi akong kumilos. Tatlo na ang mga bagets ko at mahilig silang tumakbo nang tumakbo. Hay, nakakapagod kaya nakakalibreng exercise ako sa mga bagets!"



Hindi lang katawan ang inaalagaan ni Joanne kundi pati na ang kanyang magandang mukha. Bukod sa pagiging artista ay makeup artist din si Joanne for Shu Uemura.



"Natural na makeup artist ka, kailangan makita sa mukha mo na maayos ka at maganda. Hindi yung haggard na haggard ka, di ba? Baka walang maniwala na makeup artist ako kung malalaki ang eyebags ko at puro linya ang mukha ko.



"Ang sikreto lang diyan, smile and be happy parati. ‘Yan ang inexpensive way to look beautiful, di ba?" pagtatapos ni Joanne.

No comments: