GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 11, 2008

Banggaang Richard-Heart, Claudine-Diether




By: Kelvin L. Marcelo

Richard Gutierrez & Heart Evangelista
Showbzzz

Sa Lunes na magbabanggaan ang dalawa sa pinakaaabangang serye sa te-lebisyon ng magkalabang networks.

Ending na kasi ang ma-lalaki nila gaya ng Lobo at Joaquin Bordado, kaya't natural lang na malalaki rin ang ipapalit dito.

Of course, mara-mi na tayong nabasa on Iisa Pa Lamang, ang balik-teleserye project nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Gabby Concepcion.

Melodrama ang nasabing serye na di-nidirek nina Manny Palo at Ruel Bayani, at tinatampukan din ng mahuhusay na sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Cherry Pie Pica-che (marami ang nag-sasabing ito ang isusumpa ninyo sa series), Laurice Guillen at Susan Roces.

Heavy ang casting ‘di ba, kaya dapat ding heavy ang itakbo ng kuwento nito sa mga susunod na araw.

Then, naririyan nga ang Codename: Asero nina Richard Gutierrez, Heart Evangelista, Richard Gomez, Eula Valdez, Janno Gibbs, Caridad Sanchez, among others.

Hindi man ito kasimbigat ng mga nabanggit na artista sa pambato ng ABS-CBN, tiyak namang hindi rin ito magpapatalo sa labanan lalo pa't ang primetime king ng GMA-7 na si Richard Gutierrez ang ini-lalako rito, plus former ABS-CBN’s top star Heart.

Masaya na namang tiyak ang kumpetisyon kahit sabihin pa nating drama ang isa at ang katapat ay action-suspense.

Kung alin ang mas maraming following sa dalawang genre, your guess is as good as mine.

No comments: