Wednesday, July 23, 2008
Mula nang dumating sa Santorini, Greece, sina Richard Gutierrez, KC Concepcion, Direk Joyce Bernal, at ilang production staff para sa shooting ng For The First Time, nakatanggap na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng updates.
Sabay na umalis sina Richard, KC, at Direk Joyce, on an early-morning flight for Greece last July 14. Ito ay pagkatapos ng ngaragang pag-promote ni KC ng number one album ngayon sa Odyssey Records, a.K.a Cassandra (produced by SonyBMG Music), at si Richard naman, sa promotion ng bago niyang action-drama series sa GMA-7, Codename: Asero.
Nangako sa amin ang kasama ni KC sa shooting na magpapadala siya ng update mula sa Santorini, ang napiling location ni Direk Joyce for the first movie of Richard and KC for Star Cinema. Heto ang una niyang text sa amin last July 17: "Good morning po from Santorini. It's 6:00 a.m. here, start na ng hair and makeup ni KC, unang scene ay kukunan sa airport."
Second text niya on July 18: "Okey naman po kaming lahat dito. Ganda po ‘yong area ng location namin dito, near the seashore. Super-hangin dito pero sabi nila around 10:00 a.m., super-init na kaya maaga ang shooting."
Another text update on July 19: "Katatapos lang namin ng shooting ngayong 2:00 a.m., natapos lahat ni Direk Joyce ang planned sequences for the day. Sleep lang kami for three hours then resume ulit kami ng shooting. Call time is at 6:00 a.m. on the set."
Ipinalabas na sa The Buzz last Sunday, July 20, ang video shots nina Richard at KC off-camera, kaya maraming kinilig sa sweetness ng dalawa. Text na rin sa amin na nai-shoot na ni Direk Joyce ang eksenang naka-bikini si KC at naka-swimming trunks naman si Richard, pero mukhang hindi raw muna ito ipakikita para may aabangan naman ang mga fans.
Muli kaming tumanggap ng text early Monday morning, July 21: "Dami po nakunang eksena yesterday. Super-ganda nga po ng view dito. By the way, ‘yon pong Greek waiter sa restaurant ng hotel, ask niya si Gerry [Santos, production designer and stylist ng movie, na siya ring nagbibihis kay KC sa mga shows niya at production manager din ng Codename: Asero ni Richard], kung lovers daw sina Richard at KC. Sagot ni Gerry, sa movie lang. Pero nag-comment daw ang waiter ng, ‘No, but I see there's something.' Natawa na lang po kami ni Gerry kasi super sweet nga rin po nila while they're eating."
Nag-comment din daw si Direk Joyce na bakit kapag sa eksenang kinukunan niya, parang hindi mailabas ng dalawa ang true feelings nila, pero off-camera, ang sweet-sweet nila.
Nai-share naman sa amin ni Shirley Kuan, one of the managers ni KC, ang text message sa kanya ni KC last Monday morning, July 21: "In the heat of the sun and cool Mediterranean breeze, I am so at home by the sea, so happy my first movie is being shot here."
Another text update on July 21: "Last shooting day namin at for the last eight days of shooting, anybody from the team na nakatulog ng four hours was lucky. More than 30 sequences were shot in the beautiful island of Santorini at ilang sequences pa ang isu-shoot namin ngayon, kaya nobody is packing up his bag yet.
"The tagline for the teaser has been officially approved. It will create quite a stir for sure. It will be shown at the premiere night of A Very Special Love of John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo on Tuesday, July 29."
Nag-email naman ang KCnians online ng music video ng theme song ng movie of the same title na si KC ang kumanta. Ginawa ito out of the pictures mula sa production shoot at kapag narinig ninyo ang pag-awit ni KC, kung hindi mo alam na siya ang kumakanta, iisipin mong ang mommy niya, si Sharon Cuneta, ang kumakanta ng ilang lines ng song.
No comments:
Post a Comment