GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 27, 2008

Richard Gutierrez and KC Concepcion became closer in Greece

Julie Bonifacio

Sunday, July 27, 2008



Umuwi na mula sa nine-day shoot nila sa Greece sina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa first movie nila together, ang For The First Time ng Star Cinema.



"Eto, umitim kami nang bonggang-bongga. Sunog ang balat. It was nice. It was a fantasy island din. Maganda ang naging experience namin doon," kuwento ni KC sa Entertainemnt Live.


Unang pasalubong na rebelasyon nina KC at Richard ang kakaibang closeness na nabuo sa kanila habang nasa Greece.



"Yeah, of course," pag-amin naman ni Richard. "We were able to spend a lot of time together and in such a beautiful place, it's a paradise, maganda. Maganda ang na-share naming experience with each other and filming the movie together. It was just an amazing journey for us."



Sumunod na pasalubong na rebelasyon nina KC at Richard ang hindi raw nila pinalampas ang chance na magkasama in one of the most romantic places in the world.



"In-enjoy talaga namin yung lugar, umiikot-ikot kami sa buong island, nag-rent kami ng mga ATV, 4X4. Umikot kami sa island, so na-enjoy namin yung first couple of days," kuwento ni Richard.


Ayon naman kay KC, "Ang ganda-ganda! Isang araw nag-speedboat kami all around. Series of islands siya kaya kumuha kami ng speedboat. Half-day umikot lang kami doon."


At sa sobrang pagka-enjoy nga raw nila together, naintirga pang hindi na raw sinasagot ni Richard ang phone niya everytime tinatawagan siya ng mommy niyang si Annabelle Rama.



"Talaga?" gulat na sabi ni Richard.


"Nagtatrabaho kasi," singit naman ni KC.


Dagdag ni Richard, "Nagtatrabaho kasi kami dun so minsan siyempre, telepono ko talaga iniwan ko. Hindi ko nasasagot minsan, pero tini-text ko naman siya. Nagwo-worry lang talaga yun. Normal lang yun."



"Hanggang text lang kami dun. Actually, hindi ako makatawag sa phone. Sa signal siguro," sabi naman ni KC.



Ano pa ang na-discover nila sa isa't isa habang nasa Greece?


"Mas maalaga si KC," sabi ni Richard.


"No boring moment," sabi naman ni KC.


"Mas maalaga, mas maalaga ‘to," turo ni Richard kay KC.


"Asus!" reaksiyon naman ni KC.

No comments: