GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, July 29, 2008

Richard, ’di magre-renew sa Bench?



SIGURADONG puputaktihin ng writers si Richard Gutierrez sa presscon this week ng Star Cinema movie nila ni KC Concepcion, For the First Time, tungkol sa diumano’y “pananabotahe” sa kanya nu’ng Bench Blackout show sa Araneta Coliseum.

Ito ang palagay ng mommy niyang si Annabelle Rama, na dismayado sa naging pagtrato ng organizers kay Chard. May balita pa ngang baka hindi na siya payagang mag-renew ni Tita Annabelle sa nasabing clothing company ni Ben Chan.

Ano nga kaya ang saloobin ni Richard sa issue? Ramdam din kaya niya ang sinasabing diskriminasyon nu’ng gabing ’yon?

Buti na nga lang at happy ang aktor sa inaaning ratings ng Codename: Asero sa GMA-7. For sure, wa na siya care sa mga ganitong kontrobersiya.

Speaking of Asero, mamayang gabi, kay Grecko unang gagamitin ni Zeus ang Project Hercules upang mabuhay ito ulit.

Nagluluksa naman ang pamilya at ang Advocate sa pagkawala ng binata. Si Geron, kanyang partner, ay suspended dahil sa nangyari kay Grecko.

Wala namang ibang sinisisi ang ina ni Grecko na si Gelyn kundi si Ibsen sapagkat pinayagan nitong bumalik si Grecko sa Dubai.

Ang hindi alam ni Gelyn ay sangkot dito ang kanyang asawa. Nanghihinayang naman si Lady Q sa pagkawala ni Agent Phoenix sapagkat ito ang pinakamagaling niyang agent. Si Bodjie X naman ay nagpiprisinta kaya bibigyan ito ng mission ni Lady Q to test him.

No comments: