GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, July 21, 2008

KC Concepcion and Richard Gutierrez off to Greece for their first kissing scene

Julie Bonifacio
Sunday, July 20, 2008
04:56 PM


Nakunan ng pahayag ng Entertainment Live! kahapon, Sabado, July 19, ang magkaparehang KC Concepcion at Richard Gutierrez sa airport bago lumipad patungong Greece para sa shooting ng first movie nila together, ang For The First Time ng Star Cinema.


Marami ang nakakita sa kanilang pagiging sweet nang magkasabay at magkasama silang dumating sa airport. Nang kapanayamin, nagpahayag sila ng damdamin ng pagka-excite dahil sa pareho raw nilang unang trip ito na magkasama pa sa isang napakaromantikong lugar tulad ng Greece.


"For the first time maggi-Greece kaming magkasama," ani KC.


"Ten days ang shoot depende kung gusto naming mawala ni KC," tila pangiliting sabi ni Richard.


"Kinakabahan ako for the whole...yung buong proseso in general dahil malayo kami sa Pilipinas, malayo kami sa inyo. Pero yun nga, magkakasama kami," sabi naman ni KC.


Sa Greece daw isu-shoot ang kanilang first kissing scene. Handa na ba sila para dito?


"Well, uhm, one scene at a time. So, pagdating namin doon tingnan natin kung ano'ng mangyayari. Pero ako naman handa naman ako. Sana handa siya," sabi ni Richard.


"We trust naman Direk Joyce [Bernal], so, yung mga scenes, for sure na eksakto lang yung gagawin ni Direk para doon sa eksena namin," sagot naman ni KC.


Sundot naman ni Richard, "And of course, yung place, really romantic. So, it's gonna be a very romantic scene."


Ano na ba ang real score na namamagitan sa kanila ngayon?


Unang sumagot si KC, "Uhm, we're friends. We're working partners and we're getting to know each other."


Ani Richard naman, "Well, ngayon kasi KC and I we live for the moment, you know. We absorb each experiences day by day and we're just starting to enjoy with each other's company. Ganun muna. Ah, one step at a time and we're gonna be working, we're gonna be exploring, we're gonna be having fun. So, yun muna for now.

No comments: