GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Wednesday, July 9, 2008

Richard, nakumbinsi ni Janno na magpakabading!

Jun Nardo


Hindi lang sidekick ni Richard Gutierrez ang drama ni Janno Gibbs sa Codename: Asero na mapapanood na sa July 14 bilang kapalit ng Joaquin Bordado.


Nagsisilbi ring mentor ang actor-singer sa mga isusuot ng young actor.

Maging sa eksenang nagiging stiff si Chard, gumagawa ng paraan si Janno upang maging kuwela ang dating niya.


Eh, si Janno, nagbaba­ding-badingan kung minsan sa eksena, ‘di ba?

Knows niya pati lengguwahe ng mga bading. Pero si Chard, never pang nagbading ‘yan o nagsalita ng lengguwahe ng bading.


So, sa isang eksena sa Asero, tinuruan ni Janno si Chard magdayalog ng salita ng bading. Umayaw ang young actor sa gusto ni Janno.


Pero kinumbinsi siya ni Janno na lalaki pa rin ang estilo ng pag-deliver na gagawin niya para maging light ang eksena’t makita ng tao ang funny side niya. Nakumbinsi naman siya ni Janno, huh!


Kaya ginawa naman ‘yon ni Richard at kuwelang-kuwela ang naging resulta nito, huh! Tuwang-tuwa naman si Janno sa resulta ng acting ni Chard!


Oo nga pala. Hindi lang si Richard ang binibigyan ni Janno ng pointers sa role at acting sa TV. Maging si Dingdong Dantes ay hinihingi ang opinion niya sa acting niya sa Dyesebel lalo na’t nanonood din ang actor-singer ng number one series ng GMA.

No comments: