GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 13, 2008

Abante Tonite

Abante Tonite
Allan Diones


Kinumusta namin ang puso ni Heart Evangelista matapos ang hindi magandang breakup nila ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales.
“I’m okay. I’m doing very well,” sagot ng dalaga.

Nakapag-move on na ba siya at ready to fall in love again?
“I’ve moved on, but I’m not yet ready to fall in love because parang ngayon, sarili ko naman siguro ‘yung iisipin ko.

“Matagal na rin akong hindi nabigyan ng pagkakataon. Sobrang gusto kong maging sulit ‘yung pagkuha sa akin ng GMA. Kaya lahat, ginagawa ko. Nagte-training ako, tala­gang inaaral ko ‘yung script ko, lahat!

“So, I’m not ready for anything else. ‘Yung mga unfinished business ko dati, gusto ko nang tapusin ngayon,” seryosong sambit ni Heart.

Bukod sa Codename: Asero nila ni Richard Gutierrez ay mainstay si Heart ng SOP at magkakaroon siya ng fashion-lifestyle show sa Q-11.

Pagkatapos ay gagawa rin siya ng Pinoy version ng isang sikat na Koreanovela.Hiningan din namin ng reaksyon si Heart sa isyung nakita silang magkasama at sweet sa isang bar ni Billy Crawford.

“You know, honestly, we have common friends. We hang out with Raymond (Gutierrez), we hang out with ganyan… pero I can’t blame them because siyempre, ‘yung spotlight, nasa akin nga­yon dahil kaka-breakup ko lang.

“But do not worry because like what I’ve said before, I will never be the boy who cried wolf. I will tell you the moment I meet someone special,” pakli ng 23-anyos na dalaga.

Totoo raw na nagkita sila ni Billy sa isang lugar sa The Fort, pero marami raw silang mga kaibi­gang kasama at nilinaw ni Heart na hindi nanliligaw sa kanya si Billy.

No comments: