GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, July 13, 2008

Richard mas mataas na ang level

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Sunday, July 13, 2008

May nagbibigay ng kakaibang excitement kay Richard Gutierrez sa bago niyang teleserye sa GMA 7 na Codename: Asero. Ito ang pagkakataong maipakita ang kanyang talento sa mga stunts.

Isang karate brown belter si Richard, marunong sa kickboxing, muay thai at arnis pero, nag-training sa tapwondo o combat aikido sa ilalim ni master Monching Gavileno.

“Pinag-aralan ko ito noon pa para sa Kamandag pero, hindi ko nagamit kaya binalikan ko para dito sa Asero,” anang paboritong aktor at highest paid sa GMA 7 pero ayaw solohin ang credits at sa halip ay malaki ang pasasalamat sa kanyang fighting director/instructor na si Ralph Roxas.

Bukod sa magaganda at well-choreographed stunts, may magandang istorya ang Codename: Asero na kinunan sa Dubai at nagtatampok sa isang napaka*la*king cast headed by Heart Evangelista.

Dalawa ang direktor ng serye na magsisimulang mapanood bukas, Hulyo 14, sina Mark Reyes at Mike Tuviera.

Isang kakaibang Richard na naman ang mapapanood natin.

No comments: