GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, July 25, 2008

Richard, daring sa Blackout?



NGAYONG nasa Pilipinas na si Richard Gutierrez, mula sa pagsyusyuting ng For The First Time, sa Santorini, Greece, kasama si KC Concepcion, siguradong excited na ang mga fans niya sa gagawin niya ngayong gabi sa BLACKOUT, ang underwear at denim show ng Bench, na gaganapin sa Araneta Coliseum.


Siyempre, aabangan nila kung ano ang gagawin ni Richard sa Araneta ngayong gabi. Kung magpapaka-daring na ba ito, at rarampa na naka-brief lang, o hanggang topless pa rin tulad noon?


Kung ang mga fans ni Richard ang masusunod, type nilang masi*lip ang ganda ng katawan ni Richard. Feel nila na mag-brief lang ito habang rumarampa.


Eh, alam naman ni*la na pinaghandaan ni Richard ang Bench event ngayong gabi, dahil nag-diet at nag-exercise tala*ga siya. Kaya kung rarampa nang naka-brief si Richard, siguradong mapupuno ng tilian ang Araneta.


Anyway, abot-tenga rin ang ngiti ni Richard dahil sa magandang ra*tings ng Codename: Asero nila ni Heart Evangelista.


Nabalitaan ni Richard na pati raw si Kris Aquino ay puring-puri ang Asero.
Siyempre, thankful si Richard sa magandang feedback sa Codename: Asero ng GMA 7.

No comments: