GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Friday, January 18, 2008

Abu Tilamzik
Abante Tonite
January 18, 2008



Si Marian Rivera ang unang nakasakay sa bagong Porsche Ca­yenne na binili ni Ri­chard Gutierrez.


Nasa shooting daw sila noon ng My Bestfriend’s Girlfriend nang dumating itong kotse.
Natutuwa raw si Ri­chard dahil si Marian ang kumbaga nagbinyag sa bago niyang kotse.
Hindi raw niya pa-birthday iyun sa sarili, dahil matagal na raw niyang binabalak na bilihin iyun.


Ang sabi niya, trade-in daw iyun sa dati niyang Porsche. Pero nang tinanong namin kung totoong P7M ang bili niya, “Ewan ko,” lang ang sagot niya.
Samantala, malaki ang pasasalamat ni Richard sa GMA Films dahil siya ang laging bida sa pam-Valentine’s Day offering nila tuwing taon.


Mas kakaiba raw itong sa kanila ni Marian dahil all-out daw ang pagku-comedy niya na dito pa lang sa pelikulang ito niya nagawa.


Safe ang sagot ni Richard nang ikumpara si Marian kay Angel Locsin, pero sina Mother Lily at mga GMA Films execu­tive na ang nagsasabing mas magaling at mas may chemistry sina Marian at Richard kesa kay Angel.
Sa February 13 na ang showing nito at may premiere night sila sa February 10. Ngayon pa lang ay sinasabi na ni Richard na si Marian ang ka-date niya sa Valentine’s day.

No comments: