GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Sunday, January 13, 2008

Marian-Richard vs Sam-Toni sa Valentines
MISMO


KASADO na ang pinananabikang tambalan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Pagkatapos maging phenomenal hit ang loveteam nina Marian at Dingdong Dantes sa Marimar, susubukan naman ngayon ang aktres kung tatanggapin ito with another leading man.

Yes, sina Richard at Marian ang tampok sa Valentines presentation ng GMA Films.

Huwag tayong magtaka kung tuluyang ma-link si Marian sa bagong leading man.

Take note, parang unlike Dingdong, walang “Karylle” sa buhay si Richard, as in, wala itong official girlfriend na puwedeng isaalang-alang ng binata.

At upang maging exciting ang labanan sa takilya come Valentines Day, hulaan n’yo kung sino ang itatapat ng Star Cinema kina Richard at Marian?

None other the box-office loveteam of Toni Gonzaga and Sam Milby.

O, di ba, Richard-Marian versus Sam-Toni sa box-office sa Araw ng mga Puso?

No comments: