GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, January 22, 2008

BFGF perfect date movie on Valentine’s Day


TAPOS na ang paghihintay.

Sa wakas, nabigyang linaw na rin kung sino nga ang secret leading lady ng ultimate Valentine movie date na si Richard Gutierrez.

Maaari nang itigil ang hulaan at pagprisinta ng marami sapagkat pinasabog na ng GMA Films at Regal Films ang tunay at natatanging leading lady ni Richard para sa darating niyang Valentine movie. Siya nga ay walang iba kundi si Marian Rivera!

Noong Linggo sa SOP, nasaksihan na ang paglabas sa cake ng magandang dalaga. Matagal na ring isang palaisipan ang misteryosang leading lady ni Richard at sa wakas, matitigil na ang mga haka-haka.

Sa rebelasyong ito, marami ang nagalak at na-excite. Kilala si Richard bilang hari ng mga Valentine movies dahil sa rami ng blockbuster films na kanyang pinagbidahan.

Siya ang dream date ng mga kababaihan sa Valentine’s Day at tiyak ang pelikula niyang My Bestfriend’s Girlfriend o BFGF naman ang dream movie ng mo-viegoers sa Araw ng mga Puso.

Naging phenomenal ang pag-angat ni Marian Rivera sa larangan ng show business. Nagni-ningning siya nga-yon bi-lang Ma-rimar ga-bi-gabi. Halos lahat na ng mga ma-nonood ay nabighani at napa-ibig na ng dalaga. Huli si-yang na-panood sa mga peli-kulang Bahay Kubo at Desperadas na parehong MMFF ‘07 entries. Ito ang unang big break ni Marian sa pe-likula kung saan lead role na ang kanyang ginagampanan.

Si Richard naman ay namamayagpag bilang Kamandag sa primetime. Bata man o matanda, iniidolo ang guwapong artista sa kanyang pagiging superhe-ro sa telebisyon.

Parehong consistent sa pagiging top-rating ang mga programa nina Marian at Richard kung kaya’t kaabang-abang ang unang pagsasama nila sa romantic comedy film na BFGF.

Magkahiwalay silang napapanood sa telebisyon ngunit ngayon, magsasama at mapapanood na sina Kamandag at Marimar sa pelikula. Tunay ngang unbeatable ang tandem ng dalawang young stars.

Maganda ang chemistry ng dalawa on and off screen. Iisipin mo ngang matagal nang magkakilala’t magkaibigan sina Marian at Richard. At sa rami ng kilig scenes nila, mistulang matagal na ring mag-karelasyon ang young superstars.

Ang BFGF ay kuwento nina Evo (Richrd) at Grace (Marian), dalawang nilalang na bubulagain ng pag-ibig. Hindi man nila ito hinahanap o ninanais, dara-ting sa kanila ang inaasam-asam ng marami: true love.

Ang pelikula ay isa na namang obra mula sa GMA Films, ang producer na naghandog ng blockbuster movies na Let the Love Begin at Regal co-produced films I Will Always Love You and The Promise. Ang BFGF ay produkto ng dalawa sa pinagkaka-tiwalaang movie producers sa bansa at inaasahang isa na namang nakaka-in love at nakakikilig na love story ang handog nila para sa mga manonood.

Sure ang GMA at Regal Films na ang BFGF ang perfect date movie sa darating na Valentine’s Day.

No comments: