GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, January 22, 2008

Richard-Marian, nakakikilig ang tambalan
ni: Jun Lalin


It’s a working birthday yesterday for Ri­chard Gutierrez.6:00 AM pa lang ay umalis na siya ng kanyang condominium unit at nagpunta sa taping ng Kamandag.
Tinawagan ko si Ri­chard kahapon habang nasa set siya ng Kamandag at nasabi ng binata na kahit may taping siya kahapon ay okey lang daw sa kanya.Isa pa, Kamandag ang trabaho niya kahapon at ganadung-ganado siyang mag-ta­ping ng show na ‘yon dahil pawang magagandang feedback ang natatanggap niya mula sa mga taong sumusubaybay ng “ahaserye” niya sa GMA 7.
Syanga pala, kahit nali-link si Richard kina KC Concepcion at Je­wel Misch ay napakalakas din ng positive feedback sa team-up nila ni Marian Rivera sa pelikulang My Bestfriend’s Girlfriend (BFGF) ng GMA Films at Regal Entertainment.
Marami ang kinikilig sa tambalang Richard-Marian.Noong una ang akala ko ay hindi bagay sina Richard at Marian sa isa’t isa, pero kapag nakikita ko silang magkasama at panay ang biruan nila ay unti-unti kong nakita ang chemistry nila.
Nang mapanood ko ang full trailer ng BFGF ay kinilig din ako.At alam n’yo bang pati ang mga kaibigang sosyal ng kambal na Richard at Raymond ay nagsasabi rin na bagay na magkatambal sina Richard at Marian?Anyway, marami na ang excited na mapanood ang BFGF, na mag-isang local movie na ipalalabas sa Pebrero 13.
Sa Pebrero 10 naman ang premiere night ng BFGF sa SM Megamall.

No comments: