GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 31, 2008


KC Concepcion at Anne Curtis, sinorpresa si Richard!

Jun Nardo

KUMAYOD pa rin si Richard Gutierrez sa birthday party na ibinigay sa kanya ng GMA Network last Tuesday sa One Esplanade na malapit sa Mall of Asia.
Pinaghalong business and pleasure ang naganap dahil habang nagpa-party ang kanyang mga guests, tini-tape naman ang birthday special niyang A Handsome Journey na ipalalabas this Sunday sa GMA 7.
Although kay Richard nakasentro ang special na ‘yon, naging bahagi rin ang kakambal niyang si Raymond na siyang nag-host ng show.
Nakatutuwa ngang pagmasdan ang Gutierrez clan na present that night led by Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.
Nandoon din si Ruffa at nang tanungin namin kung may participation siya sa special, “I am with ABS CBN. Guest lang ako rito to support my brother!”
After that ay tawag na naman siya sa kanyang celfone. Halatang imbiyerna siya. Biniro tuloy namin na baka si Yilmaz Bektas ang tinatawagan niya at hindi niya ito makontak.
“Kayo talaga! Hindi si Yilmaz ang tinatawagan ko! ‘Yung mga alalay ko na nawawala! Hindi ko sila makita. Busy rin sila! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi lang ni Ruffa.

***
Sa special na ‘yon, kinarir talaga ni Richard ang pagsayaw. In fairness, graceful ang execution niya sa kanyang opening number, huh!
Take note na dala­wang beses niyang ipinamalas ang kanyang dancing prowess at kering-keri naman niya ang bawat steps.
Nagrampahan naman sina Alessandra de Rossi, JC de Vera, Bubbles Paraiso, Jay-R, Wendell Ramos, Francine Prieto at Richard Gomez.
Sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ay gumawa ng OJ (Ogie-Janno) portion para kay Richard, gaya ng ginagawa nila sa SOP tuwing Sunday.
Present din si Joey de Leon na nakasama ng kambal sa pelikulang Knock-Knock Who’s There? nu’ng mga tsiki­ting pa sila.
Sing and dance naman ang ipinakita ni Richard with Chynna Ortaleza, Rhian Ramos, Bianca King at Isabel Oli. Bukod sa mga girls na ito, nakasama rin ng young actor ang mga babae niya sa Kamandag na sina Maxene Magalona, Jewel Mische at Ehra Madrigal.
Nakadagdag ng excitement ang greetings ng dating girlfriend ni Richard na si Anne Curtis. Baby Bubut pala ang tawag niya rito na ang wish ay maging clo­ser to God.
Hindi rin isinasara ng aktor ang posibilidad na magsama sila sa movie ni Anne.
Simple at maiksi naman ang greetings ni KC Concepcion. Maging si Richard ay nagulat din sa VTR ng dalawa.
Tanong tuloy ng ibang writers: Alam kaya ng Channel 2 ang VTR na ‘yon?Dahil may pupuntahan pa kami, hindi na namin natapos ang pagsalang ni Richard sa lie detector test.
May participation din sa special si Marian Rivera na kapareha ni Richard sa My Best Friend’s Girlfriend, pero sa Linggo na rin ninyo malalaman kung ano ang gagawin ni Marian Rivera (at hindi Marian de Vera, huh)!
Ilan sa namataan naming naki-enjoy sa special at party ni Richard ay sina German Moreno, Mother Lily, Boots Anson Roa, Douglas Quijano, Ben Chan, GMA executives, Ana Roces at Almira Muhlach, na ipinakita lang ang wedding ring nila ni Bong Alvarez, kesa sagutin ang tanong namin kung nagkabalikan na nga sila, huh!
Pero bago ang A Handsome Journey ni Richard, watch kayo tonite ng episode ng Kamandag dahil mu­ling maglalaban sina Kamandag (Richard) at Talim (Mark Anthony Fernandez), para maagaw ng huli ang kalasag ng una.
Lalabas din ang tunay na katauhan ni Ditas (Ehra Madrigal) at dahil sa bagsik ni Elinor (Alessandra de Rossi) kay Lily (Maxene Magalona), lalayas ito sa bahay.

No comments: