GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 31, 2008

Jojo Gabinete

Abante Online

Mapapanood sa GMA 7 sa darating na Linggo (February 3) ang A Handsome Journey, ang birthday TV special nina Richard at Raymond.Maraming revelation tungkol sa magkapatid na ginagawa nang biruan ang kanilang away noon na tumagal ng ilang buwan.
Sa Don’t Lie To Me segment ng TV special, ina­min ni Raymond na siya at hindi si Richard ang napanood noon ng mga tao sa early episodes ng Sugo.
Pinakiusapan si Raymond ng production staff na mag-double sa kanyang kakambal dahil maraming eksena ang kukunan na kailangang maipalabas kaagad.
Inayunan ng lie-detector machine ang ‘yes’ answer ni Raymond sa tanong na naiinis ito kapag sinasabihan siya na magpapayat. This year, ang magbawas ng timbang ang main goal ni Raymond na hindi imposible na mangyari dahil nasubukan na niya noon na magpapayat at naging successful siya.
“Truth” ang resulta ng lie-detector machine sa ‘yes’ answer ni Richard sa tanong kung meron siyang constant date.
Kinilig ang audience na umaasa na si KC Concepcion ang babae na tinutukoy ni Richard.
Lalong kinilig ang audience nang ipakita sa wide screen ang VTR birthday greeting ni KC para sa actor na nali-link sa kanya.
Maging closer pa sa Diyos ang isa sa mga birthday wish ni Richard dahil may mga pagpapakataon daw na nakakalimot siya.
Ipinangako ni Richard sa sarili na gagawa siya ng paraan na magkaroon ng maraming panahon para sa Diyos, sa kanyang pamil­ya at mga kaibigan.
Ang magalit ang kanyang tatay na si Eddie Gutierrez ang isa sa mga ayaw na mangyari ni Richard.
Napakabait at bihira raw magalit ang kanyang ama kaya galit talaga ito kapag nagalit.
Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni Richard na hindi na ito nababahala sa galit ng nanay niya na si Annabelle Rama dahil nasanay na siya na palaging galit ang kanyang ina.
Habang pinapanood namin sina Richard at Raymond sa Don’t Lie To Me segment, na-realize namin na puwedeng-puwede rin si Richard na maging double ni Raymond bilang host ng Pinoy Idol.
Si Richard ang lalakeng Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama dahil sa kanyang mga nakakatawang hirit at wit.
May special participation sa A Handsome Journey sina Richard Gomez, Joey de Leon, Wendell Ramos, ang cast ng Kamandag at ang mga babae na nakapareha ni Richard sa past TV series na pinagbidahan niya.

No comments: