GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, January 21, 2008

JUN LALIN
Abante Tonite
January 21, 2008

Noong Huwebes ay isinulat ko na nainterbyu ni Ruffa Gutierrez para sa The Buzz si Cesar Montano.
Masaya si Ruffa dahil ‘bumigay’ si Cesar sa interbyung ‘yon at sinagot niya ang tungkol sa mga intriga sa kanila ng misis niyang si Sunshine Cruz.
Totoo bang kaya hindi pa naipapalabas ang interbyung ‘yon ay dahil nag-request si Cesar na ma-preview niya ‘yon?
Inusisa ko ang mga taga-The Buzz tungkol doon at inamin nilang gustong ma-preview ni Cesar ang interbyung ‘yon.
Bakit kaya? May mga nasabi kaya si Cesar sa interbyung ‘yon na sa tingin niya ay hindi niya dapat sabihin?
Kung ako ang tatanu­ngin ni Cesar, mas magandang maipalabas ang interbyung ‘yon sa kanya dahil maganda ang mga sinabi niya roon.
Mas magandang maipa­labas ‘yon para maging malinaw na ang mga isyu sa kanila ng misis niya.
***
Kahapon sa The Buzz ay ipinahayag ni Ruffa na may isang taga-ABS-CBN 2 na crush ng kapatid niyang si Richard Gutierrez.
Ang clue ni Ruffa, ‘lumilipad’ ang crush ng kanyang kapatid.
Hindi ba ‘lumipad’ si KC Concepcion noong birthday celebration ng inang si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum?
Si KC ba ang tinutukoy ni Ruffa?
Anyway, ipinagtanggol ni Ruffa si Richard sa isyung nagkaroon ng gulo ang kanyang kapatid sa The Embassy bar.
Ayon kay Ruffa, hindi nagsisimula ng gulo ang kanyang kapatid. Madalas daw na prino-provoke ng ibang mga tao si Ri­chard.
Lalaki ang kanyang kapatid, kaya natural lang na ipagtanggol nito ang sarili.
***
In-announce na kahapon sa Showbiz Central na si Raymond Gutierrez ang napili ng GMA 7 management para mag-host ng Pinoy Idol, ang Philippine franchise ng American Idol.
Mula Miyerkules hanggang Sabado ay nasa Cagayan de Oro si Raymond para sa auditions ng Pinoy Idol.
Noong una ay ayaw pang ipaalam ng mga taga-Siyete na si Raymond na nga ang Philip­pine counterpart ni Rya­n Seacrest, pero dahil birth­day celebration kahapon sa Showbiz Central, nag-decide sila na i-announce na ang tungkol doon.
Ayon kay Raymond, he’s proud and happy na sa kanya napunta ang pagho-host ng Pinoy Idol.
Aware kasi si Raymond na maraming may gustong mag-host ng show na ‘yon, pero siya ang napili ng big bosses ng Siyete para mag-host ng nabanggit na show.
Siyanga pala, happy birthday today kina Raymond at Richard!

No comments: