GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 31, 2008


Richard, sinurpresa ni KC
ni: Allan Diones

Binigyan ng belated birthday party ng GMA ang Gutierrez twins na sina Richard at Raymond nu’ng Martes nang gabi sa One Esplanade Place (SM Central Business Park, Seaside corner Bay Boulevard, Pasay City).
Nu’ng Enero 21 ang 24th birthday ng kambal, pero dahil pareho silang busy ay hindi sila nakapagpa-party. Isinabay na rin sa nasabing dinner party ang taping ng TV special ni Richard na A Handsome Journey (na ipapalabas sa Linggo, Pebrero 3, sa GMA pagkatapos ng Fulhaus).
Sosi ang ambience sa party, na dinaluhan ng mga nagmamahal kina Richard at Raymond. Punong abala siyempre ang parents nilang sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez, at naroon din ang mga kapatid nilang sina Ruffa, Elvis, Ritchie Paul at Ramon Christopher.
Present din ang bigwigs ng GMA (minus Ma’am Wilma Galvante na nasa Amerika), Mo­ther Lily Monteverde, Tito Douglas Quijano, Mr. Ben Chan, atbp.Pagdaan sa table namin ng fashionistang ate ng kambal na si Ruffa ay tinanong siya ni Tito Jun Nardo kung meron din ba siyang spot number sa TV special ni Richard.
Sey ni Ruffing, “No! I’m with ABS-CBN, I’m just a guest! I’m just supporting my brother! Ha! Ha! Ha!”
Biniro rin ni Tito Jun si Ruffa na malamang si Yilmaz (Bektas, Turkish ex-husband niya) ‘yung naririnig naming kau-kausap niya sa celfone.
Natawa ang Ruffing at nag-explain na ‘yung mga bading niyang alalay ang tinatawagan niya dahil biglang nawala ang mga ito at iniwan siyang mag-isa.
***
Bukod sa birthday ni Richard ay sine-celebrate din ng pambatong ma­tinee idol ng Siyete ang 7th anniversary niya sa showbiz (nagsimula ang bilang nu’ng mag-Click siya, hindi isinama ‘yung pag-aartista nila ni Raymond nu’ng mga paslit pa sila).
Bukod doon ay bale victory party na rin daw ‘yon ng telefantasya niyang Kamandag na pa­tuloy na namamayagpag sa ratings (at hindi natinag ng tumapat na bagong show sa kabila) at promo na rin ng upco­ming Valentine movie ni Chard with Marian Rivera na My Best Friend’s Girlfriend.
Applauded ang Justin Timberlake opening dance number ni Richard. Bukod sa ganadong magsayaw si Chard ay halatang well-rehearsed ang kanyang number dahil hindi siya nagkamali ng steps at kabisado niya ang sinasayaw niya.May isang segment na si Richard Gomez ang nag-intro at kapagkuwan ay nagkaroon ng mini-fashion show na nagsi­rampa sina Alessandra de Rossi, JC de Vera, Bubbles Paraiso, Michelle Mad­rigal, JayR, Ehra Mad­rigal, Wendell Ramos at Francine Prieto.
Huling rumampa nang sabay sina Goma at Chard. Ang gandang tingnan ng dalawang Richard: isang dati at isang kasalukuyang heartthrob ng Philippine showbiz.
Sina Janno Gibbs at Ogie Alcasid ay kinantahan si Richard ala ‘Sobrang OJ Pare’ portion nila sa SOP to the tune of Harana ng Parokya ni Edgar.
Naki-sing and dance din si Chard kina Bianca King, Rhian Ramos, Chynna Ortaleza at Isabel Oli. Si Joey de Leon ay nag-intro rin ng segment. Kuwento ni Tito Joe­y, nu’ng 5 y/o ang kambal ay nakatrabaho niya ang mga ito sa pelikulang Knock, Knock, Who’s There?.
That time ay bungi pa raw si Raymond. Nang magbinata na si Richar­d ay si Tito Joey ang nakasama niya sa unang TV guesting niya sa GMA na Kakabakaba. Idol at mentor daw ni Chard ang batikang comedian-TV host.
***
May dance number din si Richard kasama ang Kamandag girls na sina Maxene Magalona, Ehra Madrigal at Jewel Mische.
Mukhang ‘special’ yata talaga si Jewel dahil iba ang kanyang outfit samantalang terno ang kumikinang na mini-dress na suot nina Max at Ehra.
Cute ‘yung portion na ininterbyu ni Raymond ang twin brother niya. Napaamin ni Mon si Chard na mas takot ito sa daddy nila kesa kay Tita Annabelle.“Kasi si mommy, palaging galit, kaya sanay na ako. Si daddy, minsan lang, kaya ‘pag naga­lit si dad, lahat kami, tiklop, pati si mommy,” natatawang sey ni Chard.Dream daw niyang magkaroon ng sariling pamilya in the future, pero idiniin niyang ‘in the future’ at hindi ‘in the near future’.
Lahat ng characters na ginampanan niya sa TV ay memorable sa kanya, pero pinaka-unforgettable for him ang kanyang Mulawin karakter na si Aguiluz “because that was really the beginning for me!”
Ikinatuwa si Richard ang dalawang ‘surprise girls’ na nagbigay sa kanya ng VTR message. Ang una ay ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis, na nagsabing ang first impression niya kay Chard ay super-mayabang. Pero nang magkatrabaho na sila noon sa Nuts Entertainment ay mabait daw pala ito at very simple guy.
Nai-share din ni Anne na “very maalaga” si Chard at “can be very sweet if he wants too.” Hindi makalimutan ni Anne nu’ng mag-on pa sila nito na nag-away sila, tapos ay nag-iwan si Richard ng mga rosas sa condo niya.
Kinantiyawan ni Raymond ang tawagan noon nina Chard at Anne na ‘Baby Booboo’ dahil co­rny raw.
Sey ni Chard, sweet ang dating no’n kay Anne at kinikilig ito sa mga ginagawa niyang pag­la­lambing.
Ang pangalawang surprise girl ay si KC Concepcion na nali-link din ngayon at balitang crush ni Richard.
Mabilis at parang nagmamadali si KC sa kanyang VTR message kaya wala kaming gaanong naintindihan. Very safe ang greeting ng dalaga kay Chard.Ang pinakamasayan­g portion ay nang sumailalim sa ‘lie detector test’ ang dalawang birthday boys. Si Raymond ang nagtanong kay Richard, tapos ay bumuwelta rin ng tanong si Chard kay Mon.
Sa ending ng show ay nag-lead ng toast si Tito Eddie para sa kanyang kambal. Si Richard pala ang ‘kuya’ dahil nauna siyang lumabas nang 3 minutes bago si Raymond.
Larawan ng isang very proud father si Tito Eddie dahil sa success ng kanyang mahal na kambal. Tinaas niya ang hawak na kopita at nagdayalog ng, “Ang tagumpay ko, kayo!” na very Empera­dor commercial nilang mag-aama. Ang huling mensahe ni Richard nu’ng gabing ‘yon para sa kanyang mga Kapuso ay, “I love you, guys! I will always stay by your side, no matter what!” na tinugon ng lahat ng isang masigabong palakpakan.

No comments: