GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Tuesday, January 22, 2008

Ruffa, umaming sinaklolohan si Richard sa Embassy


MATAPOS sabihin ni Ruffa Gutierrez on-air sa The Buzz last Sunday na babaing lumilipad ang crush ngayon ng kapatid na si Richard Gutierrez sa Dos, tinanong namin siya kung sino ang tinutukoy niya.Binanggit namin ang mga pangalan nina Angel Locsin at KC Concepcion – isang dating “lumilipad” sa Siyete na nasa Dos na ngayon at isang “kalilipad” lang sa Araneta Coliseum, sa birthday concert ng inang si Sharon Cuneta.

Nagulat kami nang ibalik sa amin ni Ruffa ang tanong kung sino pa ba ang mga artistang babaing lumilipad.

Binawi nga lang ito ni Ruffa at sinabing hayaan na lang si Richard na magsalita.

Nabaling naman ang tsikahan namin sa napabalitang insidente sa Embassy involving Richard at mga kamag-anak daw ng ex-GF na si Georgina Wilson.

Ang kuwento ni Ruffa, “May nagsabi lang sa akin na puntahan ko si Richard sa Embassy kasi susuntukin ng isang grupo ng mga lalaki. I don’t know kung bakit kailangan nilang sundan si Richard doon para lang galitin at gawan ng hindi maganda.

“Bakit sila magagalit kung nakipag-break si Chard sa girlfriend niya? Hindi naman sila aatrasan ng kapatid ko dahil brown belter ’yun. Buti na lang at humingi ng paumanhin ang owner na nag-imbita sa amin,” dagdag pa ng actress-TV host.

Samantala, pinuntahan din namin ang twin brother ni Richard na si Raymond Gutierrez sa Showbiz Central para batiin ng happy birthday kahapon.

Inusisa na rin namin si Raymond tungkol sa sinasabing bagong crush ng utol niya sa Dos.

“Marami namang crush si Richard, eh,” panimula ng napiling host ng Pinoy Idol. “Sinasabi niyang crush niya sina Maja (Salvador) at KC. Pero, hayaan na lang natin na siya ang magsalita,” safe na turan pa ni Raymond.

No comments: