GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Thursday, January 24, 2008

Richard, ‘binibenta’ ni Angel sa ABS-CBN?


NAGKITA at nagkausap sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Cebu last week. Ang Pista ng Sto. Niño ang dahilan ng presence ng dating magkapareha sa GMA show and movies.


Wala naman daw isnabang naganap sa da­ting magkapareha ayon sa aming source, kahit na nga naghiwalay na sila ng network.


Ang hindi lang daw nagustuhan ng aming source, matapos yakapin ni Angel ang dati niyang executive producer sa GMA shows niya at sinabing miss na niya ang mga ito, may ibinulong ito kay Richard.


Naku, hayan na naman ‘yang mga bulung-bulong na ‘yan, ‘no!


“Binibenta kita sa kabila,” bulong daw ni Angel kay Richard. Nangiti lang daw ang aktor sa tinuran ng dating kapareha.


Of course, denial ang kasunod tiyak ng sinulat naming ito kapag nabasa ni Angel o ng kampo niya. Basta, galing ito sa aming source na nakasaksi at nakaalam sa ibinulong niya kay Richard, huh!


Tinanong din daw ni Tita Annabelle Rama si Angel kung bakit laging namu-move ang airing ng series nila ni Piolo Pascual sa Channel 2.


“Ewan ko ba sa kanila!” ‘yun lang daw ang naging tugon ni Angel.


Naku, we doubt kung lilipat si Richard sa Channel 2 kahit may tsikang binebenta siya sa network ni Angel.


Sobrang alaga ng GMA si Richard pati na ang series niyang Kamandag, ‘no! Todo-buhos nga ang plugging nito oras-oras pati na promotions nito sa mga diyaryo, huh!


Anyway, ngayong gabi sa Kamandag, masasaksihan ni Talim (Mark Anthony Fernandez) ang halikan nina Jenny (Jewel Mische) at Kamandag matapos mailigtas ng huli ang dalaga sa mortal niyang kalaban.


Dahil sa pangyayari, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Jenny kay Kamandag. Samantala, nagalit si Haring Budog (Johnny Delgado) kay Agol.


Ilan lang ‘yan sa eksenang dapat abangan tonight sa Kamandag after Zaido sa Channel 7.

No comments: