GMA Livestreaming: Thanks to mytvko

Get Microsoft Silverlight

Monday, January 21, 2008

Allan Diones
Abante Tonite
January 21, 2008

Working day ang 24th birthday ngayong araw na ito (Enero 21) ni Ri­chard Gutierrez.
Ayon sa madir niyang si Tita Annabelle Rama ay may taping ng Kamandag si Richard ngayong araw na ito kaya walang party ang binata.
Kahapon ay may birthday celebration dapat si Chard sa SOP, kaya lang ay nasa Cebu siya para sa Grand Kapuso Fans’ Day roon.
Ang kakambal niyang si Raymond ay nag-celebrate sa Showbiz Central.
Mukhang naibigay na ni Richard ang birthday gift niya sa sarili niya dahil nakuha na niya ang multi-million-peso Porsche Cayenne SUV na matagal na niyang gustong magkaroon.
Loveless pa rin daw si Chard at 24. Dayalog niya, “I’m very busy right now, I can’t afford to have a girlfriend!”
Parang post-birthday treat na rin niya sa fans ang Valentine movie nila ni Marian Rivera na My Best Friend’s Girlfriend o BFGF na ipalalabas sa Pebrero 13.
***
Bukod sa Gutierrez twins na sina Richard & Raymond, birthday din today ng friends naming sina Ate Ian Fariñas (ng People’s Tonight) at Tolites Reyes (aka Shalala ng Walang Tulugan with the Master Showman).
Happy, happy birth­day!!!

No comments: